Dream-come-true para sa singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla ang farm house project nila ng kaniyang fiancé na si Conrad Onglao. Matapos maghanap ng mga magagandang properties malapit sa Manila ay napusuan nila ang two-hectare na bakanteng lote sa Barangay Piis, Lucban, Quezon.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Sinimulan nga ng dalawa ang konstraksyon ng lugar noong March 2018 at masayang-masaya si Zsa Zsa dahil ang kaniyang fiancé na isang architect ay mayroong napaka-gandang vision para dito.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Binigyan nila ito ng pangalang ‘Casa Esperanza’ na kung saan binase nila ito sa totoong pangalan ng aktres. Samantala, hindi naman ito inilihim ng singer sa publiko at sa katunayan ay lagi siyang updated sa kaniyang mga Instagram posts patungkol sa kaniyang Casa.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Modern rustic ang naging disenyo ng Casa at gumamit sila dito ng mga recycled na kahoy tulad ng Yakal. Ang ilang parte naman ng mga pader at bubong ay gawa sa salamin kaya mas naging maaliwalas ang lugar dahil sa natural light.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Kapansin-pansin rin na Asian style ang naging vibe ng Casa Esperanza at makikita dito ang ilang koleksyon ng dalawa tulad ng mga artifacts at souvenirs na nabili nila abroad.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Mula naman sa kanilang receiving area ay makikita ang isang lily pond na request mismo ni Zsa Zsa. Isa ito sa mga paborito niyang lugar para mag-relax at pinalagyan niya rin ito ng meditation area kung saan pwede siyang magpa-massage o mag-yoga kasama ang mga bisita
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Mayroon din itong swimming pool na kakaiba ang disenyo dahil salt water ang gamit nilang tubig dito na may katabi itong isang fireplace at brick oven para sa tuwing naroroon ang kaniyang pamilya ay dito sila magbobonding.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Tatlo ang casitas o villa sa loob ng property nina Zsa Zsa at kagaya ng receiving area ay Asian style din ang interior design ng mga ito. Dito madalas mamalagi ang buong pamilya ni Zsa Zsa at Conrad sa tuwing nagbabakasyon sila mula sa Manila.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Ayon kay Zsa Zsa,hindi lamang nila ito bahay bakasyunan kung hindi ay ipinaparenta rin nila ito sa Airbnb lalo na kung sila ay nasa siyudad.
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Image source: Youtube/Zsa zsa Padilla
Talaga namang mala-paraiso ang Casa Esperanza at sa ngayon ay mas lalo pa itong pinapaganda ni Zsa Zsa at nagtatanim na rin sila ng nga halaman para maging sustainable ang kanilang farm.