“You have to have respect for yourself” Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang life lesson na natutunan niya sa kaniyang past relationship

Nabigo man sa kaniyang mga naging ka-relasyon ay hinding-hindi ito pinagsisihan ng aktres na si Angelica Panganiban dahil para sa kaniya bawat isa sa kanila ay mayroong naidulot na kasiyahan sa kaniyang buhay. Maliban dito ay marami rin siyang natutunan sa mga taong kaniyang nakasama at naging dahilan kung bakit mas lalo siyang naging matatag sa kasalukuyan.


Image source: Instagram/iamangelicap

Una sa lahat ay napatunayan niyang mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pagmamahal para sa sarili sa tuwing papasok ka sa isang relasyon. Ang pagmamahal na ito ay hindi yaong makasarili kundi ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili.


Image source: Instagram/iamangelicap

“It’s really to love yourself first…You have to have respect for yourself so that others will treat you the same way. You shouldn’t lose that no matter how in love you are with the person you’re currently with.”, pahayag ni Ange.


Image source: Instagram/iamangelicap

Binigyang diin niya rin ang pagiging matapang sa tuwing papasok muli sa isang relasyon lalo na kung lubos kang nasaktan sa nakaraan.


Image source: Instagram/iamangelicap

Ayon kay Angelica, natural lang ang pagkakaroon ng takot na magmahal muli ngunit hindi ito dapat na manatili dahil maaring napipigilan mo ang tadhana na gumawa ng paraan upang mahanap mo ang “the One”.


Image source: Instagram/iamangelicap


Image source: Instagram/iamangelicap

“It’s hard to be single but it’s also hard to be in a relationship… What if I miss the opportunity to be with the right person if I don’t take the risk so I just go with this one.”, dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang bago niyang ka-relasyon.


Image source: Instagram/iamangelicap

Hangga’t maaari ay ayaw ibahagi ni Angelica ang kwento patungkol sa taong nagbibigay kulay sa kaniyang buhay ngunit dahil sa saya na kaniyang nararanasan ngayon ay nais niya itong ipadama sa iba lalong-lalo na sa kaniyang mga taga-suporta.


Image source: Instagram/iamangelicap

Nakilala ang lalaki bilang si Gregg Homan at ayon sa mga lumabas na balita, may kinalaman ito sa pagpapatakbo ng Bay Marine Subic na gumagawa ng mga disenyo at nagpapa-upa ng mga aluminum na bangka pati na rin ang Mangrove Resort Hotel, isang boutique hotel na matatagpuan sa Olongapo, Zambales.


Image source: Instagram/iamangelicap

Sa ngayon ay masayang-masaya si Angelica at wala siyang ibang hangad kundi maging maganda at mas malalim pa ang pagsasama nila ni Gregg.


Image source: Instagram/iamangelicap


Image source: Instagram/iamangelicap

Maliban dito, isa pang biyaya ang natanggap ng aktres nang maging matagumpay ang kaniyang bagong pelikula na “Love or Money” kung saan kasama niya ang aktor na si Coco Martin sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Una itong inilabas sa publiko noong ika-12 ng Marso at talaga namang napanood ng maraming Pilipino maging sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *