Love knows no distance nga ang peg ng relationship ni Yam Concepcion sa kaniyang New York based boyfriend na si Miguel Cu-unjieng. Matagal na ring ganito ang kanilang sitwasyon at sa paglipas ng panahon ay natutunan nila ang ilang sekreto kung papaano mapapanatiling matatag ang inaalagaan nilang relasyon.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Ayon kay Yam, tiwala at malinaw na komunikasyon ang isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat matutunan ng magkasintahan na nasa isang long-distance-relationship. Ito nga ang naging susi para ma-enjoy pa rin nila ni Miguel ang kanilang pagmamahalan kahit na milya-milya ang layo nila sa isa’t isa.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Proud na proud nga ang aktres sa kaniyang long-time boyfriend dahil mature at secured na ito sa buhay. Napaka-supportive din nito pagdating sa kaniyang trabaho at talaga namang nauunawaan ang mga bagay na kailangan niyang gawin bilang isang aktres at celebrity.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Sa katunayan, hindi ito nagseselos kahit na mayroong mga daring scene si Yam sa kaniyang mga co-actors na kailangan niyang gawin.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Samantala, nilinaw rin ng 31-year-old actres na walang dapat ipag-selos si Miguel dahil loyal siya sa kaniya kahit na marami itong nakakatandem na love team sa industriya.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Sa loob nga ng mahigit 5 years nilang relasyon ay pinatunayan ito ni Yam kahit na marami siyang ginagawang daring roles sa sunod-sunod niyang showbiz projects.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Ibinahagi rin ni Yam na umuwi ng bansa si Miguel noong December at kahit halos dalawang linggo lamang silang nagkasama ay talaga namang nakatulong ito para mas lalong tumibay ang kanilang relasyon.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Sa ngayon ay plano ng aktres na lumuwas ng bansa para bisitahin ang kasintahan sa New York at dahil dito ay maraming netizens ang hindi maiwasang maging excited na mag-level up ang relationship nila ni Miguel.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Samantala, ayaw ni Yam na pangunahan ang tadhana at sa ngayon ay nagi-enjoy siya sa kung anong meron sila ni Miguel. Ngunit kung sakali mang mag-propose ito sa kaniya ay inamin ng aktres sa ‘Tonight With Boy Abunda’ na “YES” kaagad ang magiging sagot niya.
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Image source: Instagram/Yamconcepcion
Talaga namang hashtag relationship goal ang pag-iibigan nina Yam at Miguel at tulad nga ng mga soap-opera ng aktres ay kaabang-abang rin ang susunod na mangyayari sa kanilang napaka-gandang love story.