Kitang-kita sa mukha ng aktres na si Yam Concepcion kung gaano siya kasaya ngayon lalong-lalo na at sa wakas ay pwede na niyang ipagsigawan sa mundo na siya ay engaged na sa kaniyang longtime boyfriend.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Sa kaniyang Instagram account ay pinakilig nga ng aktres ang mga netizens sa ilang larawan ng kaniyang engagement na nangyari noon pang New Years Eve ng taong 2018 sa Hokkaido, Japan.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Makikita dito na napaka-romantic ng lugar dahil sa snow at mayroong mga libu-libong paper cranes na dekorasyon na sumisimbolo ng pag-ibig at pag-asa.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Ito ang naging paraan ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Miguel CuUnjieng para ipakita kay Yam na kahit anong pagsubok ang dumating sa kanilang relasyon ay hinding-hindi siya bibitaw sa kanilang pag-iibigan at umaasa nga na magkakasama sa habang-buhay.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Ngunit sa kabila ng napakagandang engagement ay mas pinili ng aktres na itago ito sa publiko at sa kabutihang palad ay sumangayon naman ang kaniyang fiancé.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Ayon kay Yam, noong mga panahong ‘yun ay kinailangan niyang i-prioritize ang trabaho lalo na at maraming proyekto ang nakahanay para sa kaniya. Sa katunayan tatlong malalaking soap opera ang kaniyang ginawa mula 2018 maliban pa dito ang ilan niyang small projects.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Natutuwa nga si Yam dahil very supportive si Miguel sa kaniyang career at wala itong reklamo sa kaniyang mga ginagawa on-screen. Isang paraan din ito kaya mas lalong nag-mature ang kanilang relasyon kahit na LDR sila sa loob ng mahigit 6 years!
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Sa ngayon ay natapos na ng aktres ang kaniyang mga projects kaya naman nagdesisyon siyang i-prioritize na ang relationship nila ni Miguel. Kasabay nga ng pagtatapos ng kaniyang huling soap opera na “Init Sa Magdamag” ay lumuwas siya ng bansa para magbakasyon abroad at para muling makasama ang kaniyang fiancé.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Inulan nga ng magagandang komento at pagbati ang Instagram post ng aktres at pati si Miguel ay super happy din dahil sa wakas ay pwede na niyang ipagsigawan sa mundo kung gaano niya kamahal si Yam.
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Image source: Instagram/itsyamconcepcion
Talaga namang napa-sana all ang mga netizens dahil nakahanap ang aktres ng isang lalaki na willing to wait at nirerespeto ang kaniyang mga desisyon sa buhay. Sa ngayon ay magkasama ang dalawa abroad at wala pang bagong anunsyo kung kailan sila magpapakasal.