Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang hirap na pinagdaanan ng ngayo’y matagumpay na TV host at dating aktor na si Willie Revillame. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ganoon nalang kalaki ang puso niya para sa mga kababayan natin na nangangailangan.
Image source: Youtube/wowowin
Ramdam niya kasi ang kanilang mga hinaing dahil siya man din noon ay nakaranas ng hirap sa buhay. Dahil nga sa sipag at tiyaga ay nakamit ni Willie ang tagumpay sa buhay at ngayon ay nakilala siya bilang isa sa mga mayayamang indibidwal sa ating bansa.
Image source: Instagram/planetumeboshi
Maliban sa pamamayagpag ng kaniyang karera at sariling Youtube channel ay abala si Willie sa pamamalakad ng WiRe, mother company na nagmamay-ari ng Wil Productions at Wil Tower Mall.
Image source: Instagram/willrevillame
Mayroon din siyang tinatawag na WilFly kung saan nagpaparenta siya ng 30-seater na eroplano. Hindi rin mabilang ang mga negosyo nito at mga sasakyan kagaya na lamang ng yate at mamahaling mga kotse.
Image source: Instagram/planetumeboshi
Ilan lamang ito sa mga kayamanan ng batikang host at kamakailan lang ay naging laman na naman siya ng usap-usapan nang ibahagi niya sa publiko ang bagong biling helicopter!
Image source: Instagram/turbulenceph
Matatandaan na noong taong 2019 ay nakabili na si Willie ng dalawang helicopter at naglaan ito ng panahon para mag-aral kung papaano maging isang piloto. At ngayon ngang pagpasok ng taong 2021 bumili ulit ito ng isa pang helicopter bilang regalo sa kaniyang sarili.
Image source: Instagram/planetumeboshi
Image source: Instagram/turbulenceph
Makikita sa ibinahaging mga larawan ng Turbulenceph sa Instagram na kulay itim ang nasabing helicopter at kapansin-pansin ang pagiging magara nito.
Image source: Instagram/turbulenceph
Ang modelo nito ay R66 Turbine Marine at ayon sa host hindi lang ito pansarili kundi gagamitin niya rin upang maipaabot ng mabilisan ang tulong niya sa mga kababayan na malayo sa kalakhang Maynila.
Image source: Instagram/planetumeboshi
Image source: Instagram/turbulenceph
Magandang investment din ito para kay Willie dahil nais niyang maging parte ng rescue team kung sakali mang magkaroon ng mga kalamidad sa ating bansa.
Image source: Instagram/planetumeboshi
Talaga namang kahanga-hanga itong si ‘Kuya Wil’ at patuloy na pinapatunayang gagawin niya ang lahat ng makakaya upang hindi mabigo ang mga kababayan na umaasa sa biyaya na nagmumula sa kaniya.