Nagawa mo na ba o naranasan mo ng gumatos ng malaki, bilhin ang kahit na anong gusto mo, kumain sa mamahaling restaurant, dahil alam mo naman na kahit gaano kalaki ang gastusin mo ay ayos lang dahil pera naman ng magulang mo?
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Ngunit ngayong may sariling trabaho kana, wala na sa puder ng magulang, sa sariling kita mo na nanggagaling ang pinanggagastos mo araw-araw, mula sa pagkain, pambayad ng bahay, tubig at kuryente, may nabago ba sa paghawak mo at paggastos mo sa sariling perang kinikita mo?
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Sabi nga ng nila, mararanasan mong magtipid kung ikaw na mismo ang nagtatrabaho at naghahanap buhay para sa sarili mo.
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Kaya naman, may payo ang nag-iisang Vilma Santos na batikang artista at itinanghal bilang Star For All Season, na ayon sa kaniya lahat ng kaniyang mga nakakatrabahong artista ay kaniyang pinapayuhan na matutong mag-ipon at pahalagahan ang ilang perang kinikita.
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Ayon pa sa kaniya ang lahat ng bagay ay may hangganan o katapusan, maaring namamayagpag ka ngayon pero baka bukas hindi kana sikat. Kaya naman, ayon sa kaniya ay dapat nilang pahalagahan at mahalin ang ano mang trabaho meron sila.
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Ayon narin sa kaniya na madaling mapalitan dahil sa dami-daming bagong mukha at talento ang lumalabas ngayon hindi katulad nila noong araw na iilan lang sila kaya naman ay naaalagaan at tumatagal sa industriya ng showbusiness.
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Dagdag pa ng aktres na talagang pinagtrabahuan nila noon kung nasaan man sila ngayon na kung saan ay nagawa pa nilang pumunta at ipakita at ipakilala ang kanilang sarili sa bawat probinsiya dahil hindi pa uso noon ang social media, hindi katulad ngayon na lahat ng impormasyon ay makukuha at makikita mo sa social media.
Photo Courtesy: Vilma Santos Recto | Instagram
Sinasabi niya ang mga katagang ito sa mga batang artistang kaniyang nakakatrabaho dahil minsan na rin niyang naranasan ang mawalan. Kung saan ay dumating pa sa puntong nagawa niyang mangutang. Ito ay kaniyang ibinahagi sa isang exclusive interview sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal noong nakaraang Abril 28, 2021 sa pamamagitan ng Zoom.