Nakakaaliw at talaga namang nakakawala ng stress ang ginagawang pagpapatawa ng host at komedyante na si Vice Ganda. Hindi man biro ang kaniyang pinagdaanan sa buhay habang lumalaki ay patuloy siyang naging positibo at nakahanap ng trabaho na makakapagpasaya sa mga tao.
Image source: Instagram/praybeytbenjamin
Likas sa kaniya ang ganitong katangian kaya naman hindi nakakapagtaka na malayo na rin ang kaniyang narating at kung noon ay extra lang siya sa mga comedy bar, ngayon ay mayroon na siyang mga pelikula at nakapag-produce din ng sariling kanta.
Sa pamamagitan ng sipag sa pagtatrabaho ay nakapagpundar nga si Vice ng isang mansyon at ayon sa kaniya ay naging inspirasyon niya ang mayayamang kaibigan para makagawa ng magandang bahay.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Nabanggit niya rin na para sana ito sa kaniyang lolo kaya lamang ay maaga itong nawala sa kaniyang buhay kaya tinigilan niya ang pagpapagawa dito at inabot ng mahabang taon bago ito natapos.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Modern Industrial style ang tema ng mansyon ni Vice na may malawak na living room, napakalaking dining area, sauna, elevator at swimming pool na overlooking mula sa kaniyang Master’s bedroom. Isang magandang parte ng kaniyang kwarto ay ang kaniyang automatic bed na na maaaring i-recline habang ito ay nanunuod sa kaniyang napakalaking tv screen.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Image source: Youtube/Vice Ganda
Habang ang kaniyang private restroom naman tila parang mga lavatory sa mga bigating mall sapagkat napaka linis at napakalawak nito na may sariling bathtub at automatic toilet basin. Ayon kay Vice, ang isa sa pinaka mahal niyang binili na gamit sa kaniyang bahay ay ang kaniyang bathtub na nagkakahalaga ng mahigit 800,000 thousand pesos.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Samantala, ang talaga namang tumatak sa mga viewers ay ang malawak nitong walk-in closet at ayon sa kaniya ito rin ang pinaka-paborito niyang parte ng bahay lalo na at mahilig siyang mag-kolekta.
Image source: Youtube/Vice Ganda
“This is my favorite part, this is the walk-in closet. Ito ang pinakamalaking area sa bahay, mas malaki pa sa master’s bedroom. Lalagyan ng gowns, gowns and gowns. Lalagyan ng shoes, shoes and shoes,”dagdag pa nito.
Pagpasok pa lang sa kwarto ay kapansin-pansin na ang magandang pagkakaayos ng mga gamit at malawak na lugar kung saan pwede kang magikot-ikot at mamili ng gusto mo para sa iyong OOTD.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Marami nga ang nagsasabi na may hawig sa department store ang walk-in closet ni Vice dahil sa dami ng mga mamahaling gamit sa loob nito kagaya ng sapatos, damit at bag na nakalagay pa sa kahon at plastic.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Tila napakaswerte ng mga kaibigan at mga kasambahay ni Vice sapagkat kung mayroon itong mga gamit na hindi na niya gagamitin ay kusang ibinibigay na lamang niya ito sakanila.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Sa katunayan, isang Louis Vuitton bag ang kaniyang ibinigay para sa kaniyang kaibigan na si Negi na siyang tuwang tuwa sa kaniyang natanggap. Maging ang kaniyang personal assistant at bisita ay mayroon din silang mga sariling kwarto sa mansion na mala-hotel din ang itsura.
Image source: Youtube/Vice Ganda
Na-achieve na nga ni Vice ang kaniyang “dream house” at sa kabila nito ay walang nabago sa kaniyang pag-uugali at sa halip ay mas lalo pang naging mapagbigay sa kaniyang kapwa.