Venus Raj, proud na ibinahagi na nakapagtapos siya ng Graduate School sa United Kingdom

Isang nakaka-inspire na balita ang hatid ng 2010 Miss Universe Fourth Runner-Up Venus Raj sa mga netizens nang ibahagi niya sa ang patungkol sa kaniyang pinakabagong achievement ngayong taong 2021.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Matatandaan na isa siya sa mga beauty queen na talaga namang tumatak sa mga Pilipino dahil sa kaniyang angking ganda at talino. Marami nga ang nakapansin na mahilig si Venus sa pag-aaral ng mga bagong kaalaman at sa katunayan ay ilang beses rin siyang nakatapos ng iba’t ibang kurso dahil sa sipag nitong mag-aral.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Noong 2009 ay nakapagtapos siya ng Bachelor’s Degree in Communications Arts sa University of Bicol at noon namang taong 2017 ay nagtapos siya bilang Cum Laude sa ilalim ng journalism program ng University of the Philippines. Dahil dito ay nagkaroon siya ng Master’s Degree in Community Development.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Hindi pa dito natigil ang beauty queen at makalipas ang ilang taon matapos siyang manalo bilang Fourth Runner Up sa ginanap na Miss Universe noong 2010 ay nag-balik paaralan na naman si Venus Raj.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Sa kaniyang Instagram account ay proud na nagkwento ang beauty queen sa kaniyang naging karanasan habang nag-aaral siya sa United Kingdom.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Pumasok si Venus sa Oxford Centre for Christian Apologetics at masaya niyang ibinahagi na marami siyang natutunan habang nag-aaral at pinapalago ang kaniyang pananampalataya.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Mas lalo ngang lumalim ang pagkakilala niya sa Panginoon at nagkaroon pa ng pagkakataon na makakita ng mga kaibigang maituturing niyang pang habang-buhay.


Image source: Instagram/onlyenusraj

Hindi hayagang sinabi ng beauty queen kung anong kurso ang kinuha niya sa OCCA ngunit base sa website ng nasabing paaralan, si Venus ay sumailalim sa tinatawag na “autonomous study center” kung saan dumaan siya sa mga pagtuturo para mapalago ang kaniyang Christian faith at evangelism ministry.


Image source: Instagram/onlyenusraj


Image source: Instagram/onlyenusraj

Image source: Instagram/onlyenusrajSi Venus Raj ay isang born again Christian at noon pa man ay bukas siya sa publiko patungkol sa kaniyang pananampalataya.


Image source: Instagram/onlyenusraj


Image source: Instagram/onlyenusraj

Dahil nga dito ay patuloy siyang nagiging inspirasyon sa bawat Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataan na hindi nagtatapos ang learning once na nakapagtapos ng pag-aaral, bagkus bawat isa sa atin ay may tyansa dagdagan ang ating kaalaman kahit sa pmamagitan ng self study lamang.

Congratulations sayo Miss Venus Raj! Keep aiming high!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *