Nagmula si Vandolph Quizon sa isang kilalang pamilya sa industriya ng show business at ang kaniyang mga magulang ay walang iba kundi ang mga batikang aktor na sina Dolphy Quizon at Alma Moreno.
Image source: Instagram/vitovandolph
Habang lumalaki ay nasaksihan niya kung papaano nagkaroon ng iba’t ibang pamilya ang kaniyang Ama na siyang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng maraming kapatid sa labas.
Image source: Instagram/jennquizon
Hindi man ito isang “ideal family” para sa tingin ng marami ay kahit kailan hindi nagtanim ng sama ng loob si Vandolph sa kaniyang mga magulang lalo na at nakita niya na maayos naman ang pagpapalaki ng mga ito sa kanilang mga anak.
Image source: Instagram/vitovandolph
Masaya man si Vandolph sa naging set-up ng kaniyang pamilya ay ayaw niya itong maranasan ng kaniyang mga anak at pinangako niya sa sarili na balang-araw ay sisikapin niyang manatiling masaya sa iisang pamilya.
Image source: Instagram/jennquizon
Kaya naman, kahit na anong pagsubok ang dumaan sa relasyon nila ng kaniyang asawa na si Jenny ay hindi ito bumitiw sa kanilang pangako sa altar na “til d3ath do us part”.
Image source: Instagram/vitovandolph
Ikinasal si Vandolph at Jenny noong December 3 sa Notre Dame Devi Chapelle na matatagpuan sa Fernbrook Gardens Portifino South Daang Reyna sa lungsod ng Las PiƱas. Nabiyayaan ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak at ito ay sina Vito Quizon at Gabrielle Avante.
Image source: Instagram/jennquizon
Image source: Instagram/jennquizon
Ayon sa aktor, pagiging loyal at malambing ang naging sikreto nilang mag-asawa kaya naman masaya pa rin ang kanilang pagsasama sa loob ng humigi’t kumulang dalawang dekada.
Image source: Instagram/jennquizon
Image source: Instagram/jennquizon
Sa katunayan, kahit na mayroon ng dalawang anak ay clingy pa rin siya kay Jenny at talaga namang iniisip palagi ang kapakanan nito para mas lalong maging matatag ang kanilang relasyon.
Image source: Instagram/jennquizon
Image source: Instagram/jennquizon
Ginagawa nga ni Vandolph ang lahat upang mapanatiling matatag ang relasyon nilang mag-asawa dahil ayaw niyang masira ng kahit sino o anuman ang pamilya na pinaghirapan nilang mabuo.
Image source: Instagram/jennquizon
Gusto din ng aktor na lumaki ang kaniyang mga anak sa isang buo at masayang pamilya. Sa ganitong paraan kasi ay naniniwala siya na ang mga bata ay lalaking maayos at hindi mag-aatubiling lumapit sa kanilang mga magulang kapag mayroon silang problema.
Image source: Instagram/jennquizon
Talaga namang ipinakita ni Vandolph na hindi imposible ang pagiging loyal sa asawa at ang ganitong gawain ay magbibigay ng kumpletong kaligayahan sa buong pamilya.