Umabot sa 100k pesos ang Bill ng Netizen matapos gamitin ng kaniyang anak ang gadget sa pagdownload ng online games

Ang tamang pag-gabay ng mga magulang sa kanilang anak habang lumalaki ay kinakailangan upang maiwasan ang mga bagay na hindi inaasahan.  Ngunit tila ba kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya ay ang pagkawala ng masusing atensyon ng mga magulang sa kanilang anak at napapabayaan na ang mga ito sa paggamit ng popular na mga gadgets.


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook

Maraming pag-aaral ang nagpapatunay na ang ganitong gawain ay hindi nakakabuti sa mga bata at mayroon pa ngang pagkakataon na ito ay nagbubunga ng malaking gastos para sa pamilya kagaya na lamang ng viral post ng isang ina na nakilala bilang si Julmar Grace Locsin, nakatira sa Davao City.


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook

“Tabang Lord (Tulong Lord) Haha. So this happened to us. One of the twins unknowingly purchased mobile games and spent at least 40k in just 2 days! Good that I was able to track bank statements for our finance team or else we could have spent more without any clue.”, pagkukwento niya sa kaniyang Facebook post.


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook

Ayon sa netizen, nakagawian nang maglaro ng kaniyang anak na 8-taong gulang ng mga online mobile games at dahil may tamang oras naman para sa paglalaro, ay pinapayagan ito ni Julmar.


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook

Ang hindi nila alam ng kaniyang asawa ay naka-link pala ang kanilang bank account sa gadget na gamit ng anak kaya naman agad naibabawas sa kanila ang sunod-sunod na pag-download nito ng mga bagong games. Nang suriin ang buong record ay napag-alaman nilang hindi lang 40k ang nagastos nang anak kundi umabot ito ng humigi’t kumulang 100k!


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook

Lubos na nabigla si Julmar at agad kinausap ang anak patungkol sa nangyari. Ayon sa bata, hindi nito sinasadyang gamitin ang pera ng mga magulang para sa mga online games. Ang buong akala niya ay walang bayad ang mga bagong downloads kaya naman itinutuloy niya ang paglalaro nito.

“He got some spanking because he download more games without asking permission. When asked after he reasoned that the old games were too easy for him and he thought all the downloads were free. He cried a lot after we talked about it and forgive him. He was very sorry…”, dagdag pa ni Julmar.


Image source: Julmar Grace Locsin/Facebook

Ang kwentong ito ay nagsilbi ngang paalala sa mga magulang at netizens upang maging mapagmatyag sa bawat kilos na ginagawa ng kanilang mga anak bago pa man mahuli ang lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *