Bilang isang magulang, walang ibang hangad ang host at aktres na si Toni Gonzaga kundi ang maibigay ang maayos at magandang buhay sa nag-iisang anak niya sa asawang si Direk Paul Soriano.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Kaya naman bilang parte ng kanilang house renovation upang mabawasan ang mga hindi kailangang gamit sa bahay ay minabuti na rin nitong linisin ang kwarto ng kaniyang unico-hijo na si Seve.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Aminado si Toni na hindi niya alam kung saan siya magsisimula upang magkaroon ng kaayusan ang bagong kwarto ng kaniyang anak kaya naman humingi na siya ng tulong sa ‘Neat Obsessions’ na siyang kilala sa pag-oorganize ng mga bahay ng mga artista.
Sa sariling Youtube channel nito ay makikita ang malaking pinagkaiba ng kwarto matapos ang ilang oras na paglilinis nila dito.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Hindi nga maiwasan ni Toni at Seve na mapa-wow sa pagkamangha nang makita ang maayos at maliwalas na silid. Ang dating mga laruan na nakakalat sa sahig ay naisaayos na sa mga lalagyang basket o di kaya naman ay nasa loob na ng drawer.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Ang mga koleksyong eroplano naman ay nakakaagaw ng pansin dahil naka-display ang lahat ng ito sa isang malaking “open-cabinet”.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Samantala, ikinatuwa ni Toni ang mga nakita niyang label na nakalagay sa bawat basket at drawer. Isa ito sa mga paraan upang magsilbing paalala kay Seve kung saan nakalagay ang kaniyang mga gamit at malaking tulong din ito upang matutunan ng bata kung saan niya ibabalik ng maayos ang mga laruan pagkatapos niyang gamitin.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Maliban dito ay naisaayos din ang mga damit at sapatos ni Seve. Ang kaniyang study area naman ay naging malinis tingnan dahil gumawa ng paraan ang Neat Obsessions upang maitago ang mga cable at hindi ito maging sagabal sa daraanan.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Lahat naman ng kaniyang mga gamit sa kaniyang schooling ay naka-ayos ayon sa pagkakaparehas ng klase ng mga ito at nasa isang tabi upang mas madaling kunin.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Bago matapos ang nasabing vlog ay ibinahagi ni Toni sa mga netizens ang kahalagahan ng pagiging malinis sa loob ng bahay at ayon sa kaniya, ito ay sumasalamin sa iyong pagkatao bilang isang ina.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Malaking tulong din ang kalinisan sa loob ng bahay upang mabawasan ang anxiety o stress lalo na at magulo na ang mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Image source: Youtube/Neat Obsessions
Sa katunayan, masayang-masaya si Toni dahil naisakatuparan ang gusto niyang mangyari sa kwarto ng anak dahil ito rin ang isa sa mga paborito niyang lugar sa loob ng kanilang bahay.