Malawak, malinis at maaliwalas tingnan ang napakaganda na newly renovated na master’s bathroom ng singer at aktres na si Toni Gonzaga. Ayon sa aktres, ito ay isang anniversary gift ni Direk Paul Soriano sakaniya noong nakaraang taon na kaniya mismong ni-request sa kaniyang asawa.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Imbes na bigyan raw siya ni Direk Paul ng alahas o mga bags at sapatos ay mas magiging masaya raw si Toni kung matutupad ang kaniyang dream bathroom na all-white ang tema at sophisticated ang disenyo. Kaya naman tinupad ng kaniyang asawa ang kahilingan ni Toni at naitayo nga ang kaniyang elegant bathroom.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
All-white ang napiling tema ni Toni para sa bathroom dahil gusto niyang magkaroon ito ng relaxing at minimalist look na para bang siya ay nasa isang hotel. Ito ay na-achieve naman sa tulong ng isang magaling na interior designer, ito ay ang ‘CreativSpaces’.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Halos lahat nga ng makikita dito ay kulay puti tulad nalang ng carpet, pader at lababo. Maging ang kanilang state-of-the-art bathtub, pintuan at mga cabinet ay ganito rin ang kulay.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Naging mas elegante naman ang master’s bathroom dahil sa mga gold accents na dinagdag ni Toni sa interior design nito at mga dried flowers na naka-display sa magagandang flower vase. Hindi rin ito papahuli sa technology dahil mayroon itong lighting system na operated ng isang AI device.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Samantala, hindi pangkaraniwan ang banyong ito dahil nagpalagay si Toni ng sarili niyang “reading nook” kung saan mayroon itong mini sofa na pwedeng pwede siyang magkaroon ng kaniyang’quiet time’.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Sa banyong ito ay mayroon ring direktang pintuan na papunta sa kaniyang mini walk-in closet upang mas madali siyang makapag ayos lalong lalo na sa tuwing ito ay mayroong shooting.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
All white rin ang tema ng kaniyang walk-in closet kung saan nagpalagay din siya ng study area sa loob nito dahil dito niya ginagawa ang kaniyang devotions at prayer time tuwing umaga. Hilig raw kasi ni Toni ang mangolekta ng libro imbes na bumili ng luxury bags.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Hindi lamang para sakaniya ang bathroom nito sapagkat mayroon din itong mga cabinets para sa mga damit ni Direk Paul na naka-color coded upang mas organized itong tignan subalit ang kaniyang walk-in closet ay para lamang sa lahat ng kaniyang mga kagamitan.
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano
Talaga namang napaka-sophisticated ng itsura ng Master’s bathroom nina Toni at Direk Paul na kung aakalain ay para bang ikaw ay nasa isang five star hotel dahil kumikinang ang lahat ng kagamitan sa tulong na rin ng mga mamahaling materyales na ginamit dito. Nice bathroom, sana all!