Tom Rodriguez, inamin na halos nalimas ang kanilang pera matapos maloko ng iba

Sa pahayag na na ibinahagi ng aktor na si Tom Rodriguez tungkol sa kanilang hiwalayan ni Carla Abellana, may isang bagay siyang nabitawan sa kaniyang mga salita patungkol sa isang panloloko na kaniyang naranasan kung saan humantong hanggang maubos ang kanilang pinag-ipunan na pera.


Image courtesy: Instagram/akosimangtomas

“I may have fallen short as a partner, ¬†specially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility…” ito ang ibinahaging mensahe ni Tom sa publiko kamakailan lamang.





Image courtesy: Instagram/akosimangtomas

Hindi na binanggit pa ng aktor kung sino ang mga nanloko sa kaniya sapagkat gusto na lamang niya itong ayusin sa pribadong usapan. Subalit dahil maraming netizens ang nakasubaybay sa relasyon ng dalawa, hindi napigilan ng iba na magparatang ng mga haka haka patungkol sa nangayring panloloko sa aktor.


Image courtesy: Instagram/carlaabellana

Ayon sa mga ibang balita, halos milyon raw ang perang nawala sa aktor sa kadahilanan na niloko siya ng mga taong ito. Ang halaga ng pera na nawala sakanila ay gagamitin raw sana nila ni Carla na pambili ng isang property subalit naglaho na lamang ang perang ito dahil hindi inaasahan ng aktor na siya ay lolokohin ng mga ito.




Image courtesy: Instagram/akosimangtomas

Wala mang opisyal na pahayag dito si Tom ay subalit binanggit at inamin niya mismo na halos nalimas ang kanilang salapi na mag-asawa dahil sa kaniyang kagagawan.

Matapang din na idiin ni Tom na kahit ganoon pa man ang nangyari ay ni minsan ay hindi raw nito pinagbuhatan ng kamay si Carla kahit noong magkasintahan pa lamang sila.




Image courtesy: Instagram/carla abellana

Opisyal ng namalagi muna sa ibang bansa ang aktor upang mag-reflect at makasama ang kaniyang pamilya sa hirap ng kaniyang pinagdadaanan sa ngayon. Inamin rin ng aktor na tuluyan na nilang tatapusin ang kanilang Marriage sa pamamagitan ng pagpasa ng kanilang divorce papers.


Image courtesy: Instagram/carla abellana

MaramI ang nalungkot sa nangyari sa dalawa sapagkat ang inakala nilang perfect relatiosnhip ay nauwi lamang sa hiwalayan matapos ang ilang buwan pa lamang simula nung sila ay ikasal. Nawa’y respetuhin na lamang natin sila upang makapag-move on na sa kanilang pinagdadaanan na ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *