Tirso Cruz, masayang ibinahagi ang kanilang ika 41st wedding anniversary ng kaniyang asawang si Lynn Ynchausti

Aminado ang halos lahat sa atin na hindi biro ang pagpasok sa buhay may-asawa at marami ngang bagay ang darating para subukin ang inyong pagsasama. Sa katunayan, ang ilan ay hindi nagtatagumpay sa mga pagsubok at sa huli ay naghihiwalay ang landas.

Ganoon pa man, marami pa ring kwento ng pag-ibig ang talaga namang inspirasyon sa marami tulad nalang ng love story ng aktor na si Tirso Cruz III at asawang si Lynn Ynchausti.


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii




Unang nagkakilala ang dalawa sa Lighthouse bar na malapit sa Timog Avenue, Quezon City. Nandun ang aktor kasama ang kanyang mga kaibigan at kumakanta ito kasama ang isang banda.


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii

Nagkataon din na nandoon sa lugar si Lynn at sa unang kita pa lang niya kay Tirso ay nasabi na niyang ito ang gusto niyang mapangasawa balang-araw. Ganito rin ang naging impresyon ng aktor nang una niyang makita si Lynn.


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii

Hindi nagtagal ay naging magkasintahan ang dalawa at makalipas ang anim na buwan ay nagpropose na kaagad ang aktor. Nag-aalangan noon si Lyn dahil 19 years old pa lamang siya noon at gusto pang tuparin ang pangarap niyang maging isang flight attendant.


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii



“Pag sumipot ka sa final interview mo at natanggap ka, di mo na ’ko makikita kahit kelan.”, banggit ni Tirso kay Lyn. Doon na nga nagsimula ang kanilang happily-ever-after at ngayon ay ipinagdiriwang ang kanilang 41st wedding anniversary!


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii

“It was always fun getting married or renewing vows to the man you truly love and which was handpicked and chosen by the Lord to be your lifetime partner.”, kwento naman ni Lynn.


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii


Naniniwala ang dalawa na simula inuna nila ang Panginoon at naging sentro ng kanilang relasyon ay nakayanan nila ang mga pagsubok at mas lalo pang naging matatag hanggang ngayon. Samantala, sa Instagram post ng aktor ay ipinakita niya ang larawan ng kanilang 25th wedding anniversary celebration kung saan kasama nila ang kanilang mga anak.


Image courtesy: Instagram/tirsocruziii

“GODly heavenly morning TJ. It’s our 41st wedding anniversary today. Sayang lang I won’t be able to celebrate it with your mama because I am here in Ilocos for taping.”, caption ni Tirso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *