Tingnan ang napakamahal at napakagandang Computer Desktop Set ni Alden Richards

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang mga libangan sa buhay. Ang iba sa atin ay mahilig sa sports samantala ang iba naman ay mahilig magtanim ng halaman at kung anu-ano pa man ang maaari nilang gawin na kanilang hilig.

Photo Courtesy: Declassified Systems | Youtube Channel

Hindi lamang ang ordinaryong mamamayan ang mayroong libangan kundi na din ang mga sikat at kilalang celebrity na ating hinahangaan. Maliban sa kanilang talent sa pag-arte, sayaw at pagkanta ay mayroon din silang isang bagay na gustong gusto nilang gawin sa tuwing sila ay nasa likod ng kamera.


Photo Courtesy: Declassified Systems | Youtube Channel

Tulad na lamang ng ating hinahangaan na si Alden Richards na mahilig pala maglaro ng computer games at nagpabuo ng sarili niyang pc na mapapawow ka na lang talaga.


Photo Courtesy: Declassified Systems | Youtube Channel

Si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas kilala sa kanyang pangalan na Alden Richards ay ipinanganak noong Enero 2, 1992. Sumikat si Alden ng makatambal niya si Maine Mendoza o Yaya Dub sa Eat Bulaga at naghatid ng sobrang kilig sa bawat manunuod.


Photo Courtesy: Declassified Systems | Youtube Channel

Simula nang makilala ang aktor ay sari-sari na ang mga programa ang kanyang pinagbidahan upang magkaroon siya ng mga bagay na mayroon siya. Dahil din dito ay natupad niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Maliban sa pagiging magaling na aktor ay kilala din si Alden Richards sa gaming community at mahilig umano ito maglaro ng mga computer games.


Photo Courtesy: Declassified Systems | Youtube Channel

Kung kaya naisipan niya magpagawa ng sarili niyang gaming rig na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P500,000. Marami sa mga netizens ang nagulat sa presyo ng kanyang gaming rig at nagsabi na papasukin na din niya ang mundo ng streaming.


Photo Courtesy: Alden Richards | Instagram

Hindi nga nagtagal ay nakita na din ang aktor na nag-stream sa mga laro na kanyang hilig laruin. Tulad din ng ibang mga manlalaro ay pinapangalanan nila ang kanilang gaming rig at isa na din dito si Alden na kung saan pinangalanan niya ang kanyang rig na “Azure”.


Photo Courtesy: Alden Richards | Instagram

Mapapansin sa mga litrato ang hindi birong mga parts na ginamit upang maisagawa ang gaming rig na ito at kinabibilangan ng mga top performing brand kung kaya hindi nakakapagtaka kung bakit umabot sa ganyang kamahal na presyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *