Tignan kung gaano kasimple si Angelina Cruz pero sobrang effortless ng kaniyang beauty

Mahalaga ang pagkakaroon ng kagandahang panloob pero madalas ang unang nakikita ng marami ay ang kagandahang panlabas ng isang tao. Ito ang agad na napapansin sa unang tingin pa lang at nagiging batayan ng ilan kung sino ang hinahangaan nilang mga artista at celebrities.

Samantala, pagdating naman sa pagkakaroon ng magandang lahi ay tiyak na nahuhulaan na agad ito ng mga netizens dahil sabi nga nila kung sino ang puno ay iyon din ang magiging bunga. Tulad nalang ng “rising star” ngayon na si Angelina Cruz, anak ng batikang aktres at singer na si Sunshine Cruz.





Marami ang nakapansin sa angking ganda ng dalaga at para nga sa ilan ay talagang “classic” ang dating nito at “effortless ang beauty”. Kahit hindi kasi maglagay ng make-up si Angelina aynapakaganda pa rin ng mukha nito lalo na ang kaniyang mga mata at labi na madalas napapansin ng mga tao.

May ilang mga photos nga ito sa kaniyang Instagram account na kahit magulo ang kaniyang buhok aynag-uumapaw pa din ang ganda nito. Sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Angelina ang pinaka maganda at pinaka simple kung umaura dahil kakaiba ang beauty nito.






Sabi pa ng iba ay may hawig siya sa sikat na international actress na si Angelina Jolie. Ang sabi naman ng ilan ay namana niya ang ganda ng features ng mukha sa kanyang tatay na si Cesar Montano ngunit may iba naman na nagsasabing nakuha niya ang ganda ng labi sa kanyang Mommy Sunshine.

Samantala hindi lang ito ang hinahangaan sa kaniya ng mga tao dahil hindi rin maikakaila ang angkin niyang galing sa pagkanta tulad nalang ng kanyang Mommy Sunshine.



Sa katunayan, abala ngayon ang dalaga sa pagpapaganda ng kaniyang talento at sumasailalim na rin siya sa ilang recordings. Maliban dito ay nagkakaroon din siya ng mga commercial shots at social media engagements na mas lalo pang nagpapalawak ng kaniyang network.

Sa ganitong paraan ay mas lalong nakilala ng publiko kung sino si Angelina Cruz at kung ano ang kaya niyang ipakita sa kanyang mga tagahanga. Samantala, sa kabila ng pagiging abala sa pagbuo ng kaniyang career ay hindi parin nakakalimutan ng dalaga ang kanyang pag-aaral at itinuturing din siyang inspirasyon ng mga kabataan.


Talaga namang ang ganda ng isang tao ay hindi lang sa panlabas na anyo kundi maaari mo rin itong makita sa kaniyang pag-uugali at pagkatao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *