Tignan kung gaano ka-stylish at fashionista si Kendra Kramer sa edad na 12 years old

Sa edad na 12 years old ay talagang namang nag uumapaw ang pagka-celebrity at fashionista ng firstborn daughter nina Doug Kramer at Cheska Kramer na si Kendra. Bukod sa maaga itong namulat sa mundo ng online showbiz ay talaga namang namana din ni Kendra ang pagiging stylish niya sakaniyang fashionista Mommy.


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra

Natuto si Kendra na maging stylish fashionista dahil din sa napakalaking walk in closet ng kaniyang Mommy Cheska kung saan madalas ay naglalaro sila ng dress up game kasama si Scarlet.




Image courtesy: Instagram/kramer.kendra

May ilang photos nga ito na pati ang ilang mag designer items ni Cheska ay nasubukan na rin isuot ni Kendra at tuwang tuwa ito na makita talagang nagdadalaga na ang kaniyang anak.


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra

Subalit kahit na nagsisimula na ito sa pagdadalaga ay strikto pa din sina Cheska at Doug pagdating sa social media account ng kanilang anak. Hindi nila ito basta basta pinapahawak ng kaniyang sariling social media account sapagkat ayaw nilang masanay si Kendra sa social standards ng online world dahil alam nila na mayroong pagka-t0xic ang paggamit ng social media.


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra



Sa Instagram account ni Kendra ay madalas niyang ibahagi ang kaniyang mga OOTD outfit kung saan minsan ay makikitaan mo ito na nakasuot pa ng designer items tulad ng Gucci at Coach. Napaka-sosyal nga naman tignan ang kaniyang mga posts sapagkat napakaganda ng kaniyang mala-hollywood celebrity na aura.


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra

Sa edad na 12 years old ay talaga namang napaka-swerte ni Kendra dahil nararanasan niya ang marangyang buhay kung saan ang pagsuot ng mga branded na damit ay simpleng bagay lamang para sakaniya dahil afford na afford ng kaniyang mga magulang.


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra



Subalit ang isang bagay na ikinalulungkot ni Cheska ay nang minsan ng nagpost si Kendra ng kaniyang mga photos na tadtad ng photo filters sapagkat hindi raw nito kailangan ng effects siya kaniyang mga photos dahil natural ang beauty nito.


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra

“Don’t hide your beauty with filters! I like your pictures better without it. Just my honest opinion, I tell you that,” ito ang komento ni Cheska


Image courtesy: Instagram/kramer.kendra


Cardigan at Jeans ang go-to outfits ni Kendra kung saan simple lamang ang outfit nito pero nagmumukhang classy ang dating dahil na rin sa kaniyang stunning at natural beauty na namana niya sa kaniyang Mommy.Tila hindi mapagkakaila na magiging isang fashion celebrity itong si Kendra pag siyaay nagdalaga na sapagkat ngayon pa lamang ay magaling na ang kaniyang fashion taste.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *