Hindi nga matatawaran ang karangyaan sa buhay ng pamilyang Pacquiao at sa katunayan ay marami ang nakakakilala sa kanila sa loob at labas ng bansa. Ang yaman na kanilang natamo sa kasalukuyan ay bunga ng kanilang pagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap at patuloy na paggawa ng mabuti sa kapwa.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Naging magkatuwang sina Jinkee at Manny upang malagpasan ang mga hamon sa buhay at ngayon nga ay masasabing nakamit na nila ang tagumpay. Maliban sa pagkakaroon ng marangyan pamumuhay ay higit na biyaya ang kanilang natanggap sa pagkakaroon ng limang anak na malulusog at higat sa lahat ay may takot sa Diyos.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Isa na sakanilang mga nakamit sa buhay ang kaliwa’t kana na investment at properties na kanilang pinundar noon pa lamang. Mayroon silang bahay sa Amerika, sa Maynila at sa General Santos City, ang probinsiya na kinalakihan nina Manny at Jinkee. Bukod doon, may iba’t ibang rest house pa ang mga ito sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Sa lahat ng bahay na ito ay pinaka-malaki ang mansyon na matatagpuan sa GenSan at sa paglipas nga ng panahon ay napaganda nila ito ng husto. Base sa ginawang Youtube vlog ng fashionista-mommy na si Jinkee ay kapansin-pansin ang pagiging malawak ng lugar na napapaligiran ng mga puno at halaman.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Ibinahagi nila ang itsura ng loob ng kanilang sala at entertainment area na kumpleto sa gamit at maraming artworks na naka-display. Ayon kay Jinkee, noon pa man ay nakahiligan na niyang maglagay ng mga larawang naka-frame sa loob ng kanilang bahay dahil gusto niyang sinasariwa ang mga alaala mula sa mga ito.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Ilan lamang sa makikitang litrato ay ang family picture nila at mga magazine photoshoot ni Jinkee. Hindi rin mawawala dito ang souvenir photo niya kasama ang idolong Korean aktor na si Ji Chang Wook.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Sa labas na bahagi naman ng bahay ay makikita ang malawak na pool area kung saan madalas mag-bonding ang mga bata lalo na ngayong summer at dito din nila ginagawa ang mga party at iba pang mahahalagang okasyon. Katabi nito ang malaking bahay na siyang tinutuluyan ng kanilang mga bisita.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Ayon pa kay Jinkee, nagpagawa na rin sila ng sariling gym sa kanilang compound at mayroon ding basketball court dito dahil mahilig si Manny sa ganitong klase ng laro at siya na ring nagiging bonding nila ng mga anak na lalaki.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Maikli man ang ginawang house-tour vlog ni Mommy Jinkee ay masasabi na talaga namang napakaganda ng kanilang mansyon sa probinsya at nakaka-relax ang pamamalagi dito dahil sa preskong hangin at mga pagkain.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Bago matapos ang vlog ay nag-iwan si Jinkee ng simple ngunit talaga namang mabisang payo para sa mga netizens at sa kanilang partner sa buhay.
Image source: Youtube/jinkeepacquiao
Aniya, pagmamahalan at mahabang pagpapasensiya sa isa’t isa ang naging susi nila ni Manny kaya hanggang ngayon ay matatag ang kanilang pagsasama. At ang huli ngunit siyang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang walang humpay nilang pagtitiwala sa Panginoon ng kanilang relasyon at lahat ng plano sa buhay.