The Voice Kids na si Lyca Gairanod, proud na nakabili ng sarili niyang sasakyan sa edad na 16 years old

Boses ang puhunan ng batang si Lyca Gairanod kaya unti-unti niyang naabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Una siyang nakilala ng publiko nang maging viral sa social media ang video kung saan maririnig ang napaka-ganda niyang tinig habang noon ay nangangalakal kasama ang mga kaibigan.


Image source: Instagram/Lycagairanod.1

Masasabing mahirap ang kinalakihang buhay ng batang si Lyca at sa murang edad pa lang ay namulat na siya sa realidad ng buhay. Sa katunayan, nagiging katuwang na siya ng mga magulang upang maghanap-buhay para sa pamilya.


Image source: Instagram/Lycagairanod.1

Sa ngayon ay sunod-sunod ang mga proyekto na kaniyang natanggap mula ng siya ay sumikat at bago nga nagtapos ang taong 2020 ay pumirma siya ng bagong kontrata sa Viva Artists Agency at naghahanda sa ilalabas niyang mga kanta.


Image source: Instagram/Lycagairanod.1


Image source: Youtube/Lyca Gairanod

Maliban dito ay nabigyan din siya ng pagkakataon na lumabas sa ilang mga palabas sa Kapamilya network. Dahil dito ay nagdesisyon ang 16-taong gulang na batang singer na bigyan ng regalo ang sarili at bumili ng bagong sasakyan.


Image source: Instagram/Lycagairanod.1


Image source: Youtube/Lyca Gairanod

Kasama ang kaniyang pamilya ay bumisita si Lyca sa GAC Motors malapit sa kanilang lugar at doon binili ang isang sasakyan na kaniyang napusuan. Kasama niya rin dito ang tinatawag niyang si Kuya Larry na siyang naging driver niya simula nang manalo sa “The Voice Kids”.


Image source: Youtube/Lyca Gairanod


Image source: Youtube/Lyca Gairanod


Image source: Youtube/Lyca Gairanod

Black ang kulay na napili ni Lyca sapagkat tingin raw niya ay sophisticated ang ganitong klaseng kulay at tila pang-artista talaga ang itsura. Kaya naman tuwang tuwa siya ng i-release na ang kaniyang napiling sasakyan dahil napakaganda rin ng loob nito.


Image source: Youtube/Lyca Gairanod

Halos automatic ang lahat ng buttons sa loob at marami itong compartment kung saan pwede siyang maglagay ng kaniyang mga gamit sa tuwing may shoot.


Image source: Youtube/Lyca Gairanod


Image source: Youtube/Lyca Gairanod

Saktong-sakto rin para sa kaniyang pamilya ang napiling sasakyan ni Lyca at maliban sa pagkakaroon nito ng maraming upuan ay pinagawa niya ring “tinted” ang bintana nito.


Image source: Youtube/Lyca Gairanod


Image source: Youtube/Lyca Gairanod

Hindi nga maitago ang saya ng singer nang tuluyan nilang naiuwi ang nabiling sasakyan at walang sawa itong nagpasalamat sa mga taong sumusuporta sa kaniya hindi lamang sa pagkanta kundi pati na rin sa mga sumusubaybay sa kaniyang Youtube channel na ngayon ay mayroon ng mahigit sa isang milyong subscribers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *