Samu’t sari na nga ng relasyon ang ating nasasaksihan sa panahon ngayon at wala tayong karapatan para sila ay pagbawalan kahit na sa paningin ng karamihan ay mali ang kanilang ipinaglalaban. Isang halimbawa na nga rito ang usapin patungkol sa popular ngayon na “same gender marriage”. Hindi pa ito lubos na tanggap ng karamihan lalo na sa mga relihiyosong bansa at maging sa Thailand. Sa kabila nito, marami pa rin ang gumagawa ng ganitong uri ng relasyon sa mga lugar kagaya ng Phuket, Bangkok, and Pattaya.
Sa katunayan, tatlong lalaki ang naging viral sa social media nang hayagaan nilang ipakita sa publiko ang kakaiba nilang pagmamahalan sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib!
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Sina James Chandmthong na 30-taong gulang, isang dietician at Noah Amsapchan, 22-taong gulang, isang dancer ay nasa ika-pitong taon na ng kanilang relasyon nang makilala at pareho nilang magustuhan si Nong Toei Buutawat, 24-taong gulang, isa ring dancer.
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Ayon sa kanilang kwento, ayaw nilang masira ang matagal na nilang relasyon bilang magkasintahan dahil lang kay Nong kaya naman nagdesisyon silang tanggapin ito sa kanilang pagsasama. Hindi nagtagal ay nagpakasal na rin ang tatlo matapos mapatunayan na pang habang-buhay na ang nararamdaman nilang pagmamahalan.
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Marami ang nagulat sa balitang ito at hindi halos makapaniwala. Ganoon pa man, ang mga magulang at buong pamilya ng tatlong lalaki ay lubos ang ipinakitang suporta at lahat sila ay dumalo sa sagradong ceremonya. Ipinanalangin rin ng mga magulang na maging maayos ang pagsasama ng tatlo kagaya ng normal na mag-asawa at bago matapos ang pagdiriwang ay ipinaglaloob nila ang basbas para sa masagana nilang relasyon.
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Nangyari ang kakaibang kasalan na ito sa pangunguna ng isang monghe noong nakaraang buwan ng Disyembre taong 2020 sa probinsiya ng Chanthaburi, Thailand kung saan lumaki ang tatlo.
Image source: Facebook/Thanawat Dance Chanthaburi
Tunay ngang pagdating sa usaping pag-ibig, walang sinuman ang tiyak na makapagpapaliwanag kung bakit ang dalawa o higit pang tao ay nahuhulog sa isa’t isa.