Suportado ni Jake Ejercito ang kanyang anak na si Ellie Eigenmann kung papasukin man nito ang mundo ng pag-aartista

Wala nang mas sasaya pa ang isang anak kapag nalaman mo na ang iyong mga magulang ay full support sa iyong gustong gawin sa buhay. Ang suporta ang isa sa mga bagay na maaaring magbigay sa atin ng matinding motivation sa gusto nating maabot sa buhay lalo na kung ang suporta na ito ay galing mismo sa mga mahal mo sa buhay.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Karamihan ng magulang ay natutuwa sa kanilang anak lalo na kung naaabot na nito ang pangarap niya sa buhay. Wala nang mas hihigit pa sa saya na kanilang nararamdaman. Tulad na lamang ng ama ni Ellie Eigenmann na si Jake Ejercito na full support sa kanyang anak kung sakaling pumasok ito sa mundo ng showbusiness.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Hindi maiwasan bilang isang magulang na ipagmalaki at maging bukambibig nito ang kanyang anak sa bawat araw na makakausap mo siya tulad na lamang ni Jake Ejercito na laging nagsasabi na ang kanyang anak na si Ellie ay napakabilis na lumaki.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Dahil si Ellie sa kasalukuyang taon ay magiging 10 taong gulang na. Hindi din maiaalis sa isipan ng mga magulang ni Ellie na baka gustuhin nito na pumasok sa mundo ng showbusiness dahil parehong mga magulang nito ay nagtratrabaho bilang artista.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Nagbigay ng pahayag si Jake nang tanungin siya kung ano ang magiging desisyon niya kung sakaling pumasok ang kanyang anak sa showbusiness. Saad niya na susuportahan niya ito ng todo kung ano man ang maging desisyon ng kanyang anak. Hindi na din nila ito ikakagulat dahil ang kanilang anak na si Ellie ay madalas na na-eexposed sa trabaho ng kanyang mga magulang.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Nagpapasalamat din ang aktor kay Andie Eigenmann na ina ni Ellie sa pagpapalaki nito sa kanilang anak dahil ang aktres umano ay isang napakabuting ina.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Si Jake Ejercito ay ang dating partner ni Andi Eigenmann at nagkaroon sila ng anak at ito ay si Ellie Eigenmann. Kasalukuyang mayroong magandang relasyon ang dalawang celebrity kahit na hindi sila nagkatuluyan. Makikita naman din sa mga Vlog ni Andi na siya ay kontento at masaya sa kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya sa Siargao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *