Stunning Momma na si Nikki Gil, proud and happy na ibahagi ang kaniyang ikalawang pagbubuntis

Masayang-masaya ang 33-years old at dating batikang host na si Nikki Gil nang ibahagi niya sa kaniyang Instagram post ang balita patungkol sa kaniyang ikalawang pagbubuntis.


Image source: Instagram/NikkiGil

Ang ilang netizens naman ay nagulat sa balitang ito at natuwa nang makita ang dating aktres na fresh na fresh pa rin kahit magkakaroon na ng baby number two.

Sa mga larawang ipinakita niya sa Instagram account ay kitang-kita na malaki na ang kaniyang baby bump at kasama niya dito ang panganay na anak na si Finn. Nakangiti ito habang hinahawakan ang tiyan ng kaniyang Mommy at para bang excited na sa paglabas ng kaniyang kapatid.


Image source: Instagram/NikkiGil

Samantala, dahil nga sa malawakang lockdown ay hindi na muna lumalabas ng bahay si Nikki at sa halip ay sinusulit ang panahon kasama ang kaniyang pamilya. Magandang paraan din ito para magkaroon sila ng bonding moments habang hindi pa siya nanganganak.


Image source: Instagram/NikkiGil

Panonood naman ng K-Drama ang kinahihiligang gawin ngayon ng dating aktres at naglalaan din siya ng oras para matuto kung papaano ang tamang pagpinta.


Image source: Instagram/NikkiGil

Sa katunayan, nag-enrol talaga si Nikki sa isang online painting class upang masiguro na maayos niyang magagawa ang bagong hobby.


Image source: Instagram/NikkiGil

Samantala, hindi rin mawawala sa kaniyang regular routine ang kwentuhan kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay sa pamamagitan ng video call. Nakakatulong ito upang mabawasan ang kaniyang lungkot at maganda rin para sa kaniyang mental health.


Image source: Instagram/NikkiGil

Maliban dito ay abala si Nikki sa ginagawang preparasyon para sa kaniyang panganganak. Nariyan ang pagpili niya ng tama at masustansyang mga pagkain pati na rin ang regular exercise na ginagawa niya lamang sa loob ng bahay. Naniniwala siya na malaking tulong ito para maging healthy ang kaniyang baby at para hindi rin siya mahirapan sa panganganak.


Image source: Instagram/NikkiGil

Sa ngayon ay wala pang ibang update ang dating aktres patungkol sa kasarian ng pangalawa niyang anak at kung kailan ang due date nito.

Image source: Instagram/NikkiGil
Ganoon pa man, kaliwa’t kanan na ang kaniyang natanggap na pagbati mula sa mga netizens at mga kaibigan sa social media.


Image source: Instagram/NikkiGil

Biyaya nga kung maituturing ang mga bata at kagaya ng mag-asawa na Nilkki Gil at BJ Albert ay talaga namang kaabang-abang ang pagdating nila sa ating buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *