Soon to be Mommy Sam Pinto, ibinahagi na siya ay buntis na sa kanilang first baby ni Anthony Semerad

Masayang ibinahagi ni Sam Pinto sa kaniyang Instagram account ang balitang buntis na siya sa kanilang first-ever baby ng asawa na si Anthony Semerad na talaga namang inaabangan ng kaniyang mga tagasuporta.


Image source: Instagram/sampinto_

Sa kaniyang mga Instagram post ay makikita nga ang magagandang larawan ng kanilang munting pamilya na kuha ng Hello Darling PH. Kapansin-pansin na rin ang napaka-cute na baby bump ng aktres habang hawak nila ang sonogram result ng panganay na anak.


Image source: Instagram/sampinto_

Samantala, aminado si Sam na magkahalong emosyon ang naramdaman niya nang malaman na siya ay magiging isa ng Mommy.


Image source: Instagram/sampinto_


Image source: Instagram/sampinto_

Hindi siya halos makapaniwala sa bilis ng pangyayari dahil ang plano nilang dalawa ni Anthony ay ma-enjoy muna ang honeymoon stage sa kanilang married life. Sa katunayan, dalawang taon ang plano nila bago mag-buntis ngunit dahil mas maagang dumating ang blessing ay lubos pa rin silang nagpapasalamat sa Diyos.


size-full wp-image-3669″ />
Image source: Instagram/sampinto_

Sa kabilang banda, super excited naman si Anthony sa paglabas ng kanilang baby at hiling niya na sana ito ay isang baby girl. Nais niyang maranasan na magkaroon ng little princess lalo na at halos lahat sila sa pamilya ay puro lalaki at ang anak ng kambal niyang si David ay isa ring lalaki.


size-full wp-image-3669″ />
Image source: Instagram/sampinto_

Sa ngayon ay nasa 23-weeks of pregnancy na si Sam at parang hindi siya dumaan sa paglilihi dahil wala itong gaanong nararamdaman na kakaiba.


Image source: Instagram/sampinto_

Sa katunayan, blooming na blooming pa rin ang aktres at napapanatili nito ang ganda ng hubog ng katawan kahit malaki na ang kaniyang tiyan. Sa kabila nito ay napansin ni Anthony na parang naglilihi ang asawa sa empanada dahil ito ang madalas niyang request na iluto niya.


Image source: Instagram/sampinto_

Samantala, sa ginawa nilang gender and name reveal vlog ay marami ang natuwa dahil baby girl nga ang magiging anak nina Sam at Anthony.


Image source: Instagram/sampinto_

Binigyan nila ito ng pangalang Mia Aya Semerad na napaka-ganda ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng Mia ay “ocean goddess or queen of the ocean” at ang Aya naman ay “colorful and beautiful”. Ito ang napili ng dalawa dahil pareho silang mahilig sa dagat.


Image source: Instagram/sampinto_

Napaka-ganda nga ng blessing na natanggap nina Anthony at Sam at siguradong hashtag family goals na naman ang munti nilang pamilya ngayon na kasama na nila si Baby Mia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *