Maganda ang naging preparasyon at paghahanda sa naging Baptismal celebration ng anak nina Solenn Heusaff at Nico Bolzico na si Thylane noong nakaraang buwan ng Mayo. Bukod kasi sa napakatagal na panahon ang kanilang inantay para rito ay isa itong importanteng event para sa buhay ng kanilang anak.
Ibinahagi mismo ni Solenn ang naging baptismal celebration ni TiliBolz sa kaniyang Instagram account noong nakaraang June 18, 2022 na talagang bongga at elegant ang kaniyang Christening.
Ayon sa post ni Solenn, nag-celebrate sila kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay at ilang mga close friends. Kahit nga raw ay malaki na si Tili ay hindi pa naman daw ito huli para mabinyagan, kaya naman tinuloy nila ang kaniyang baptismal at pagkatapos ay sumunod ang engrandeng celebration.
“Sharing some photos of Tili’s baptism! She was a bit older than usual but it is never too late. Celebrated with loved ones and had a great time…”
Enjoy na enjoy ang kanilang mga guests sa kanilang celebration dahil mayroong mga activities at playsets na nirentahan si Solenn para sa mga bata. Ang ilan dito ay ang mga inflatable slides and bouncers, malaking ballpit area with slide, soft play cars at mga playhouses.
All white ang theme ng kanilang event kaya naman naging classy and elegant tignan ang kaniyang baptismal celebration. Kung titignan ay parang napakasimple lamang ng kanilang party pero ang mga activity at playsets na rentals pala na ito ay nagkakahalaga na ng mahigit 50,000 pesos.
Kaya naman sobrang swerte ni Tili dahil sa ganitong edad ay nahahandaan na siya ng kaniyang mga magulang ng ganitong ka-eleganteng mga parties.
Ang lahat ng ito ay hindi raw mangyayari kung hindi sa tulong na rin ng kanilang kilalang mga event suppliers katulad nalang ng mga digital invitations na kanilang ipinagawa sa isang matalik na kaibigan ni Nico.
“Thank you for @patscreatesevents for helping create an amazing event. My invites were made by a dear friend of Nico, she is so talented and created digital invites based on Tili’s 2 favorite stuffed toys Bubby and Huhu…”
Happy Christening Tili!