Kilala sa magagandang room transformation at kakaibang decorations ang online sensation na Moss Design House, isang interior designer company na ibinabahagi ang kanilang mga design sa kanilang sariling Youtube channel.
Image source: Instagram/Iamsofiaandres
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Sa ganda nga ng kanilang mga gawa ay hindi nakakapagtaka na pati kilalang celebrities sa ating bansa ay kinukuha ang kanilang serbisyo. Sa nakalipas nga na ilang taon at patuloy ang kanilang paghahatid ng saya sa mga bahay at pinatunayan ang kanilang tinatawag na “moss magic”.
Image source: Instagram/Iamsofiaandres
Isa sa mga pinakabata nilang client ay ang unica-hija nina Sofia Andres at partner na si Daniel Miranda. Siya ay walang iba kung hindi ang napaka-cute at bibong-bibo na si baby Zoe Natalia. Ipinanganak ito noong November 24,2019 at makalipas ang mahigit isang taon ay nagdesisyon ang aktres na gawan ito ng sarili niyang kwarto.
Image source: Instagram/Iamsofiaandres
Kaya naman, dahil sa udyok ng Mommy ni Daniel na kunin ang Moss Design House para maging interior designer ay agad na nakipag-usap si Sofia sa mag-asawang sina Mr. at Mrs. B.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Napag-usapan nila ang design na gusto ng aktres para sa kwarto ng kaniyang anak at ilang mga pagbabago sa kulay nito para mas lalong maging maganda at saktong pang-bata.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Sa tulong nga ng Moss Design House ay na-achieve ni Mommy Sofia ang gusto niyang design at kulay ng kwarto ni Baby Zoe sa loob lang ng tatlong araw.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Isa itong dreamy-blush themed nursery room ang disenyo ng kaniyang kwarto at talaga namang classy itong tingnan dahil neutral lamang ang mga ginamit na kulay na hinaluan nila ng white and gold accents.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Naging challenging ang project na ito para sa Moss Design House dahil kinailangan nilang palitan ang final floor plan dahil sa lighting ng kwarto.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Mismong sina Mr. at Mrs. B na rin ang nagtahi ng kurtina para sa kwarto ni Zoe dahil sumasayad ito sa sahig at kailangang bawasan ng kaunti. Soft blush pink ang kulay nito na nagbigay ng comfort at design sa overall look ng baby room.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Samantala, naging maganda ang kinalabasan ng blush wall paint at wallpaper na kanilang inilagay upang mapaganda ang mga pader.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Pagpasok naman ng kwarto ay makikita ang isang wood stand kung saan naka-display ang mga stuffed-toys at picture frame ni Zoe kasama ang kaniyang Mommy at Daddy.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Talaga namang magical ang nagawa ng Moss Design House sa nursery room ni Baby Zoe kaya naman hindi na napigilan pa ni Mommy Sofia na maiyak.
Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House
Nasabi niya na ang “moss magic” ay ang paggawa ng buong team with love na kitang-kita naman sa kinalabasan ng kanilang trabaho.