Slater Young, ibinahagi ang mga importanteng practial tips sa pagpapagawa ng bahay

Lahat tayo ay mayroong pangarap na magkaroon ng maayos at magandang tirahan. Sa katunayan isa ito sa mga dahilan kung bakit tayo nagsusumikap sa pagtatrabaho sa araw-araw. Ngunit dahil hindi nga biro ang pagpapatayo ng isang bahay, madalas ay nagiging sanhi pa ito ng stress lalo na kung wala sa tamang pagpaplano.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Mabuti nalang at marami na tayong nakikitang guide sa social media lalong-lalo na sa Youtube kung saan nagbibigay ng libreng payo ang mga eksperto tulad nalang ng Engineer at dating PBB Housemate na si Slater Young.




Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Isa siya sa mga celebrities na talaga namang hinahangaan ang disenyo ng bahay dahil maganda ang pagkakaplano nito at gumamit ng mga makabagong materyales.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Dahil nga hands-on si Slater sa pagpapatayo ng kanilang dream house ay marami siyang praktical tips na natutunan simula sa pagpaplano at sa mismong paggawa ng bahay hanggang sa matapos ito.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Ibinahagi niya ang mga ito sa kaniyang Youtube vlog at narito ang ilan sa kaniyang mga nabanggit.

1. Consult with the professionals, even for a budget home



Muling ipinaalala ni Slater sa mga netizens ang kahalagan ng mga professionals pagdating sa pagpapatayo ng bahay tulad nalang ng mga engineers ay architect. Hindi sila dapat iwasan kahit na nagtitipid ka sa pagpapatayo ng iyong dream house dahil malaki ang maitutulong nila para masigurong matibay at mayroong maayos na disenyo ang magiging tirahan ng inyong pamilya.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

2. Get quotations from different suppliers, and thoroughly scan the quotations

Sa pagpapatayo ng bahay, pinaka-mabuting gawin ayon kay Slater ay ang paglalaan ng panahon para maikumpara ang presyo ng bawat materyales na bibilhin sa isang construction supplier. Sa ganitong paraan makakahanap ka ng the best na deals para sa pinapatayo mong dream house.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Mahalaga rin na suriing mabuti ang bawat item na kasama sa quotations lalong-lalo na ang mga presyo dahil mayroong mga kompanya na nagbibigay ng extra charge o hidden charges.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

3. Keep all signed contracts and don’t trust handshake deals

Ang bawat signed contracts at mga importantemg dokumento na may kinalaman sa pagpapatayo mo ng bahay ay dapat nakatago rin daw ng mabuti at secure sa isang lugar. Ito ay upang magkaroon man ng pagkakataon na kailanganin mo ito ay mabilis mo lang mahahanap.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Ipinaalala rin ni Slater na mahalaga ang pagkakaroon ng signed contract o agreement sa pagitan mo at ng contractor o supplier para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa huli. Madalas kasing mangyari ang tinatawag na “handshake deal” o yung usapan na biglaan at wala ka ng pagkakataon na ma-review kung ano ba ang mga detalye nito.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Sa katunayan kahit na papili ng sample ng tiles na gagamitin sa bahay ay pinirmahan pa mismo ito ni slater at ng supplier para masiguro na yun mismo ang maipapadala sa kaniya.



4. Think ahead and make decisions that will save you money in the long run

Sa simula pa lang ng pagpaplano ay mahalaga ng iniisip kung papaano ka magkakaroon ng savings na pang matagalan. Ilan nalang dito ang pagkakaroon ng minimalist design sa loob ng bahay, pagbili ng mga gamit kung saan makakatipid ka sa kuryente tulad ng inverter appliances at installation ng solar panels sa halip na LED lights.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Para kay Slater mas maganda na gumastos ka sa mahal pero de-kaledad na gamit kaysa paulit-ulit ka namang magpapalit. Binigyang diin niya rin ang pagkakaroon ng isang listahan para makita mo kung ano ang pinaka-mahalagang mabili sa loob ng bahay. Sa ganitong paraan maiiwasan mo ang pagbili ng ibang gamit na hindi talaga ganoon ka-importante.



Image courtesy: Instagram/thatguyslater

5. Don’t forget safely measures in your bathroom

Isa pa sa mga practical tips na nabanggit ni Slater ay ang pagbibigay ng importansiya sa disenyo at mga materyales na gagamitin para sa palikuran. Mas maganda na gumamit dito ng mga non-slip tiles upang maiwasan ang aksidente tulad ng pagkadulas.


Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Importante rin na may proper ventilation ang lugar at may sapat na espasyo sa loob. Pwede ring gumamit ng waterproof fiber cement para maiwasan ang pagkakaroon ng mga leak na siyang nagiging sanhi para maging madulas ang sahig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *