Isa sa mga kinagigiliwang celebrity chikiting online ay ang cute na cute at “tisay” na anak ng aktres at komedyante na si Pokwang. Ito ay walang iba kundi si Francine Malia O’ Brian, anak niya sa asawang foreigner na si Lee O’ Brian.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Nakuha nito ang kutis ng Ama kaya naman binansagang “Tisay ng Bayan” sa social media. Madalas ibahagi ni Pokwang ang mga nakakatuwang video ng kaniyang anak sa kaniyang Instagram account at talaga namang inaabangan ito ng kanilang mga fans. Isa na rito ang kanilang make-up bonding na umani ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Habang lumalaki ay nakikita ni Malia kung papaano kumilos at mag-ayos ng sarili ang ina na si Pokwang sa tuwing papasok sa trabaho kaya naman hindi nakakapagtaka na gayahin niya rin ito.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Sa isang video na upload ng aktres noong nakaraang taon ay makikitang abala si Malia sa pagsusuklay ng buhok sa tapat ng salamin at tila ba naglalagay ng invisible make-up sa kaniyang mukha. Napaka-kikay na nga ni Malia na dinaig pa niya ang kaniyang Mommy Pokwang kahit na 2 years old pa lamang ang batang ito.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
“Sa pagkakaalam ko mag two years old ka palang sa January 18 e bakit parang makaasta ka e nasa 20 kana? Ahhahahahhaa talandeeeee!!”, caption ni Pokwang sa nakakatuwang video.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Kaya naman binigyan siya ng regalong make-up na pambata upang ito ang kaniyang gamitin at hindi masira ang kaniyang baby skin. Sa ganitong edad ay tila marunong ng maglagay ng eyeshadow at lipstick si tisay kaya naman aliw na aliw ang mga netizens sa tuwing ibinabahagi ni Pokwang ang kaniyang mga videos.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Ang ganitong simpleng bonding ng mag-ina ay siyang bumubuo sa araw ni Malia lalo na ngayon at hindi ito gaanong nakakalabas sa kanilang bahay at wala itong kalaro bilang pag-iingat.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Ayon kay Pokwang, tila ba lumiit ang mundo ng kaniyang anak na kung minsan ay hindi niya maiwasan ang maawa dito sapagkat laging nasa loob lamang ito ng bahay. Kaya naman ginagawa niya ang lahat upang malibang niya ang bata at magkaroon ng happy childhood memories.
Photo courtesy: itspokwang27 | Instagram
Nakakatuwa ngang makita ang mga ina kagaya ni Pokwang na sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ay naglalaan pa rin ng panahon para makapag-bonding sa kanilang anak.