Maganda at matalino, ilan lamang ito sa mga katangiang taglay ni Angela Kristine Muhlach, ang nakababatang kapatid ng aktor na si Niño Muhlach.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Image source: Instagram/oninmuhlach
Bagama’t mala-artista ang kaniyang ganda ay hindi ito sumubok na sundan ang yapak ng kanilang pamilya sa mundo ng show business at sa halip ay sinunod ang kaniyang hilig at ipinag-patuloy ang kaniyang pag-aaral.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Kumuha si Angela ng kursong Industrial Engineering sa De La Salle University at sa pagtatapos nito ay iba’t ibang parangal ang kaniyang natanggap. Dahil dito, lubos siyang hinangaan ng kaniyang pamilya lalo na at siya ang kauna-unahang engineer sa kanilang angkan.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Samantala, maliban sa paglalaan ng oras sa pamilya at sa kaniyang pag-aaral ay hindi nakakalimutan ni Angela ang mag-enjoy sa buhay at sa katunayan ay halos nagawa niya na ang lahat ng adventures na nakalista sa kaniyang bucket list. Halos taon-taon rin kung ito ay mamasyal sa iba’t ibang magagandang lugar sa loob at labas ng bansa.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Taong 2014 nang bumisita siya sa bansang Europa at syempre hindi nito pinalagpas na mapuntahan ang mga tourist spots sa London, Paris, Spain, Holland at Rome pati na rin sa Netherlands. Makikita ang mga adventures na ito sa kaniyang Instagram account na mayroong umaabot sa mahigit 20,000 followers.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Hindi rin magpapahuli si Angela sa paggawa ng mga extreme sports at sa edad nga na 21 years old ay sinubukan nito ang skydiving sa Ocean City Skydiving Center nang pumunta siya sa Amerika noong 2015.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Umabot ng hanggang 10,000 ft ang taas ng nilipad ni Angela at talaga namang nasabi niya sa sarili na ito ang kaniyang ultimate bucket list.
Samantala, madalas mang wala sa kanilang bahay sa Pilipinas ay aminado si Angela na isa siyang “Daddy’s girl” at talaga namang makikita ito sa kaniyang social media posts.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Madalas silang mag-bonding ng kaniyang ama na si Alexander Muhlach at itinuturing niya itong “prince charming” ng kaniyang buhay.
Image source: Instagram/Angela Muhlach
Sa ngayon ay engaged na si Angela sa kaniyang first and last boyfriend na si Alfonso Hortaleza, general manager ng Prime Global Finance Corporation at sinabi nitong matutuloy ang kanilang kasal kahit na mayroong pandemic