Siya si Angela Alarcon, ang anak ng napakaguwapong beteranong aktor na si Jestoni Alarcon

Kilala ang dekada 80 sa pagsulpot ng napakaraming mga pelikulang comedy at aksyon. Dito nakilala ang iba’t-ibang action star na magpahanggang sa ngayon ay tinitingala ng napakaraming tao.


Image courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram



Magpahanggang sa ngayon ang mga artista na action star noon ay tila hindi nagbabago at napapanatili nila ang walang kupas nilang kagwapuhan at karisma na mayroon sila sa harap at likod ng kamera.


Image courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram


Image courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Maliban sa kanilang taglay na magagandang katangian ay mayroon din silang mga tinatagong mga binhi tulad ng kanilang mga anak na talaga namang mapapahanga ka sa taglay na kagandahan at kagwapuhan ng mga ito . Tulad na lamang ng anak ng isa sa mga kilalang action star na si Jestoni Alarcon.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Kilala natin ang actor dahil sa kanyang kagwapuhan at galing sa pag-arte at magpahanggang sa ngayon ay matunog pa din ang kaniyang pangalan pagdating sa showbusiness.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Mapapanuod pa din ang kanyang mga pelikula noon sa mga istasyon sa telebisyon magpahanggang sa ngayon at masasabi mo na lang na kahit matagal na ito ay tila hindi tumatandang tingnan ang aktor hanggang ngayon.





Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Sa ngayon ay maliban sa pag-arte ay isa na ding respetadong pulitiko na ang aktor at parte siya ng Board Member sa unang distrito sa Rizal matapos siyang manalo sa eleksyon noong 2019.

Ang kanyang maybahay na si Lizzette Alarcon ay todong suporta sa kanyang asawa. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng gwapo at magagandang anak.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Ngayon ang isa sa mga anak ng aktor ay naging sentro ng atensyon ng publiko dahil sa taglay nitong kagandahan. Si Angela Alarcon ay ang anak ni Jestoni na sumunod sa kanyang yapak nang mapagdesisyunan nito na pasukin ang mundo ng showbusiness.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Kasalukuyang pinapakita ng anak ng aktor ang kanyang taglay na angking talento sa pag-arte na namana niya sa kanyang ama. Madalas na magkasama ang mag-ama sa kadahilanang iisa ang hilig nilang dalawa lalo na sa sports na taekwondo.




Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Maliban sa kagandahang taglay ni Angela ay isa din siyang Black belter sa larangan ng taekwondo. Maliban dito ay kilala din ang aktres sa kanyang taglay na talino dahil nakapagtapos ito bilang isang Cum Laude sa kursong Speech Communication sa Unibersidad ng Pilipinas.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *