Tila napakaswerte nga naman ng mga empleyado at staff ni Dra. Vicki Belo dahil bukod sa kanilang sapat na sahod ay sobrang generous pa ng kanilang Amo sa pagbigay ng mga surpresa at regalo. Kaya naman matagal tagal na rin ang ilang mga empleyado ni Vicki sakaniya.
Image source: Instagram/victoria_belo
Sa katunayan, noong nakaraang buwan lamang ay sinurpresa niya ang kaniyang dalawang espesyal na empleyado ng ‘Hakot-all-you-can grocery’ sa isang napakalaking grocery store sa siyudad.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Binisita ni Vicki Belo ang Landers, Alabang City at dahil sa tuwa na tila ba ikaw nasa ibang bansa dahil sobrang lawak at maraming mabibili sa loob nito, kaya naman sinulit ni Dra. Vicki ang pag-shopping upang maibigay sa kaniyang mga staff ang grocery package na ito.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Samantala, hindi akalain ng dalawa niyang malalapit na empleyado na espesyal rin sa kanila ang araw na ito dahil sinurpresa sila ni Dra. Vicki ng isang 15 minutes Hakot-All-You-Can Challenge.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Tinawag niya si Mitch, ang kaniyang personal assistant sa loob ng mahigit apat na taon at si Edward, driver niya ng mahigit 21 years.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Sa loob ng nasabing oras ay mayroon silang pagkakataon na kunin ang kahit anong bagay na gusto nila nang hindi iniisip kung magkano ba ang presyo nito.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Kaya naman, kahit na hindi makapaniwala noong una ay agad-agad silang kumuha ng basket at nagmamadaling mag-grocery.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Sa huli ay umabot sa mahigit 40,000 ang binayarang grocery ni Dra. Vicki para sa bawat isa sa kanila kaya naman ganoon nalang ang pasasalamat nina Mitch at Edward sa napakabait nilang boss.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Sobrang tuwang tuwa ang dalawa dahil hindi nila halos akalain na worth 40,000 grocery items ang kanilang maiuuwi para sa kanilang pamilya dahil sa surpresang ito ng kanilang Amo.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Hindi lamang iyon ang surpresa niya sa kaniyang mga tauhan, sapagkat maging gift certificates na galing sa Landers ay kaniyang ipamamahagi sa iba pa niyang empleyado na malapit sa kaniyang puso. Ito ay bilang pasasalamat na rin sa serbisyong naihatid nila sakaniya.
Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo
Sana all ganito ka-generous yung mga boss natin! Godbless you Dra. Vicki Belo!