Kahit may halong pangangamba at takot ang aktres na si Andi Eigenmann para sa kaniyang panganganak, mas naging kalmado ito dahil sa moral support ibinibigay ng kaniyang Fiance na si Philmar Alipayo.
Image source: Instagram/Andieigengirl
Kaya naman sa araw ng kaniyang scheduled c-section delivery, hindi ito pinalampas na pakiligin at iparamdam kay Philmar kung gaano niya ito kamahal sa pamamagitan ng isinulat nitong love letter para sa kaniyang partner.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Sa kanilang youtube channel, ibinahagi ni Andi Eigenmann ang kaniyang birthing story ng araw na iyon at ipinakita rin nito ang nakakatouch na inspiring love letter na kaniyang isinulat para kay Philmar habang ito ay nasa delivery room.
Sa araw ng kaniyang panganganak, alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay naghanda na itong kumain ng breakfast sapagkat hindi na raw siya maaaring kumain matapos siyang manganak. Matapos nito ay naghanda na silang magpunta sa ospital para sa kaniyang scheduled delivery.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Habang naghihintay sa kaniyang c-section, hindi maalis sa isipan ni Andi ang mangamba para sa kaniyang sarili kaya naman pinaalalahanan siya ni Philmar na wala itong dapat ikatakot.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Nang inihatid na siya sa delivery room, ipinakuha ni Andi ang isang libro kung saan nakaipit ang kaniyang ginawang letter para kay Philmar upang ito ay kaniyang basahin habang siya ay naghihintay sa paglabas ng kanilang anak.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Ito ang inspiring message ng aktres para kay Philmar, “Mahal, here we go again. Hope you are as happy as I am that our baby is on the way. Thank you so much for everything! Thank you for always being by my side, for being my biggest support, for helping me to be strong and brave, and for inspiring me to be the best parent I can be to our kids. I am the happiest since you asked me to be yours forever and to be your partner in life, as we go through this experience with you. My kids are very lucky to have you as their papa. I love you!”
Image source: Youtube/Happy Islanders
Image source: Youtube/Happy Islanders
Hindi napigilan ni Philmar na maluha habang binabasa ang mensahe na isinulat mismo ni Andi para sa kaniya na noon ay kasalukuyang isinisilang ang kanilang bunsong anak.
Image source: Instagram/Andieigengirl
Image source: Youtube/Happy Islanders
January 17 nang ibahagi ni Andi na naisilang na ang kanilang Little Island Baby Boy na si Baby Koa. Sobrang thankful ng aktres sapagkat healthy ang kaniyang anak at succesful ang kaniyang delivery.
Image source: Instagram/Andieigengirl
Image source: Instagram/Andieigengirl
“And just like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January, 2021 at 10:09 am, we welcomed the newest member of our family. Hello world! Meet our little island boy, Koa.” pagbabahagi ni Andi sa kaniyang Instagram photo.