Single Mom, Kumikita ng 5k sa Isang Araw Matapos Makabangon sa naluging negosyo

Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sarili mong negosyo lalo na at hawak mo ang oras mo kumpara kung nagtatrabaho ka para sa isang kompanya. Hindi madali ang pag-uumpisa ng ganitong gawain at kinakailangan ang sipag at tiyaga sabayan pa ng diskarte para masabi mong nagtagumpay ka sa iyong negosyo. Kinakailangan rin na magkaroon ng masusing kaalaman at tamang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalugi.

Ganoon pa man, sadyang may pagkakataon na susubukin ang iyong tatag at pasensya sa negosyo kagaya na lamang ngayong panahon ng pandemya kung saan maraming kumpanya ang nalugi at nagsara.


Image source: Gma news

Hindi nga nakalagpas dito ang negosyo ng isang single mom na nagbahagi ng kaniyang kwento kamakailan lamang. Nakilala siya bilang si Miranda Nacario at noon ay mayroon siyang matagumpay na “printing business”. Napilitan siyang ipasara ito dahil unti-unti ng nawala ang mga customer na noon ay nangangailangan ng kanilang serbisyo. Dahil dito ay dumanas ng hirap sina Miranda pati ang kaniyang anak.


Image source: Gma news

“May pagkakataon na wala na akong pambili ng gatas at diaper ng anak ko. Dumating sa punto na kanin at asukal nalang din ang ipinapakain ko sa kaniya para lang magkaroon ng laman ang tiyan. Maging ang ama niya ay hindi na rin makapagbigay ng sustento dahil sa hirap ng buhay sa ECQ.”, pahayag ni Miranda sa isang panayam sa kaniya.


Image source: Gma news

Nagkaroon din ng karamdaman ang kaniyang anak at halos lapitan na niya ang lahat ng tao para humingi ng tulong. Kaya naman, nangako si Miranda sa sarili na gagawin niya ang lahat para maghanap muli ng pagkakakitaan at hindi sapat na manatili nalang siya sa bahay at magmukmok dahil hindi ito makabubuti para sa kaniyang anak.


Image source: Gma news
Image source: Gma news

Nag-umpisa siya sa kapital na 2,500 at nagbenta muna ng kung anu-ano online. Maliban dito ay nagbabahay-bahay din siya para mag-alok ng paninda.


Image source: Gma news

Tila nga narinig ng langit ang kaniyang dalangin dahil isa siya sa mga maswerteng napasama sa programa ng Quezon City na “Store On Wheels”. Sila ay pinapayagan na makapagbenta sa mga lugar na apektado ng lockdown kaya naman mas lalong lumawak ang sakop ng kaniyang negosyo at unti-unti ring lumaki ang kaniyang kinikita sa loob ng isang araw.


Image source: Gma news

Noong una ay nag-aalangan siyang sumali sa programa dahil sa takot na mahawa sa virus ngunit sa halip na magpatalo sa kaniyang nararamdaman ay pinili niyang maging matapang at nakipagsapalaran. Ngayon ay kumikita na siya ng mahigit sa 50k isang araw dahil nakapagpundar siya ng tatlong tindahan ng manok at nagkaroon na rin ng ilang mga tauhan.


Image source: Gma news

Payo niya sa kaniyang kapwa ay ipagpaliban muna raw natin ang takot sapagkat walang mangyayari kung lagi lamang raw tayong matatakot sumubok ng mga bagay bagay na maaaring makapagpa-anhon sa atin.


Image source: Gma news


Image source: Gma news

Tunay ngang ang pagharap sa takot na ating nararamdaman ay siyang magbubukas ng mga pintuan na magbibigay sa atin ng biyaya na hindi lang para sa atin kundi para rin maibahagi natin sa ating kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *