Silipin ang simpleng pamumuhay ng aktres na si Sharlene San Pedro sa probinsya

Kadalasan ang nakikita natin sa mga social media ng ating mga idolo ay ang kanilang magagandang pamumuhay. Dahil sa kanilang pinapakita tayo ay humahanga at hinihiling na sana mayroon din tayong mga bagay na tulad ng sa kanila.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

Lingid sa ating kaalaman ay mayroon din namang ibang mga celebrity na mas pinili ang simpleng pamumuhay kasama ang kanilang pamilya. Isa na sa mga halimbawa ang ating iniidolo na si Andi Eigenmann na mas pinili na mamuhay sa Siargao kasama ang kanyang buong pamilya. Hindi lamang ang aktres na si Andi ang may ganitong simpleng pamumuhay kundi na din ang batang aktres, singer, VJ, TV host at Vlogger na si Sharlene San Pedro.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Youtube


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

Sino nga ba ang makakalimot kay Sharlene na nakita natin sa iba’t ibang programa na ating inaabangan sa telebisyon. Sa mga ipinanganak noong 90s ay matatandaan natin si Sharlene na isa sa mga star sa comedy show na pinamagatang “Goin Bulilit”.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Youtube


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Youtube

Hindi umano nabigo ang aktres noong mga panahon na iyon na patawanin tayo. Sadyang may angking talento ito pagdating sa pag-arte at pagpapatawa. Lumipas ang maraming panahon ay naging parte din siya ng iba’t ibang mga proyekto na ating napapanood sa telebisyon tulad ng “Mga Anghel na Walang Langit”. Kasalukuyang dalaga na ang aktres at maliban sa pag-arte ay isa din siyang magaling na singer at kilalang Vj.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Youtube

Naging usap-usapan ang aktres ng ibinahagi niya ang isang Vlog na kung saan makikitang namumuhay siya ng simple kasama ang kanyang pamilya sa Bulacan.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Youtube

Mapapanood sa kanyang Vlog ang isang katerbang pananim nila ng kanyang pamilya na kung saan mamangha ka kasi sari-sari ang mga gulay na pwede nilang anihin at kainin.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Youtube

Maliban dito ay mayroon ding ilog na malapit sa kanilang tahanan na kung saan saad ng aktres na madalas doon mangisda ang kanyang ama. Maliban sa mga pag-ani ng mga gulay at isda na hinuhuli ng kanyang ama ay nagkaroon din sila ng maliit na salo salo o tinatawag natin Boodle Fight.


Image courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

Dahil dito maiisip mo na lang na sadyang napakasimple lang talaga ang pamumuhay ng aktres kasama ang kanyang pamilya at malaking tulong ito lalo sa kanya upang maibsan ang stress na kanyang nararamdaman sa tuwing babalik siya sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *