Minsan dahil sa sitwasyon na ating kinamulatan, ay maaga nating pinapangarap ang mga bagay na siyang makapagbibigay sa ating ng kaginhawaan.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Katulad na lamang ang makapagtapos ng pag-aaral, makabili at magkaroon ng magagarang mga kagamitan, makapagpatayo ng magandang bahay na kung saan ay kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay at magkaroon ng malawak na lupain.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Sabi nga nila, hindi masama ang mangarap, para maabot at magkaroon ka ng mga ito ay kailangan mong magsumikap at magtiyaga sa lahat ng bagay, dahil anumang paghihirap ang iyong naranasan ang lahat ng ito ay may kaakibat na kaginhawan sa huli.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Ang lahat ng ito ay nakuha kamakailan lamang ng sikat at kilalang aktres na si Assunta De Rossi at masayang ipinasilip niya sa publiko ang kaniyang marangyang tahanan at penthouse.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Sa nasabing tahanan ay doon nila ipinagdiwang ang Noche Buena kasama ang kaniyang asawang si Jules Ledesma at ang kanilang anak na sina Cristina at Julio Carlos. Samantala sa kanilang penthouse nila ipinagdiwang ang Bagong Taon na matatagpuan sa Bonifacio Global City.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Dahil sa taglay nitong ganda ay hindi mapigilan ng mga netizens ang mamangha lalo na sa napaka-eleganteng dining at leaving area nito. Lumipat ang mag-asawang Jules at Asunta mula Makati papuntang Bonifacio Global City noong taong 2018.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Ang kanilang Hacienda Euzkara ay matatagpuan sa San Carlos City, Negros Occidental na ayon sa mga balita ito ay 28 square kilometers na kung ihahambing ay halos kasing laki na ng Makati City.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Ang pagpapasilip nila ng kanilang hacienda at penthouse ay umani ng napakaraming positibong reaksiyon at komento mula sa kanilang pamilya, kaibigan at mga tagahanga.
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram
Si Assunta De Rossi ay 36 taong gulang, isang Pilipina-Italian aktres. Ang kaniyang kapatid na si Alessandra De Rossi ay kagaya rin niyang isang aktres. Dahil sa galing at husay sa pag-arte ay pareho nilang napanalunan ang Best Actress Award sa Metro Manila Film Festival.