Bukod sa kanilang mini bahay kubo na ipinagawa sa probinsiya ay mayroon ding condo unit sina Gwen Zamora at David Semerad sa siyudad kung saan sila kasalukuyang nakatira sa ngayon kasama ang kanilang anak.
Image source: Instagram/gwenzamora
Image source: Instagram/gwenzamora
Ayon sa kanila, ang condo unit na ito ay dating bachelorette pad ni Gwen at dito pansamantalang naninirahan ang dalawa habang inaayos ang kanilang bahay sa batangas.
Image source: Instagram/gwenzamora
Naging magkatuwang sina Gwen at David sa pagpaplano kung papaano mas mapapaganda ang kanilang tirahan at sa huli ay nagkaroon sila ng kani-kaniyang gawain. Si David ang nagpintura ng mga pader at kisame ng condo samantalang si Gwen naman ang naka-assign sa interior design ng buong bahay.
Image source: Instagram/gwenzamora
Plain white lang ang dating kulay ng condo unit ngunit ngayon ay naisipan nila na gawin itong deep blue dahil na rin sa kanilang baby boy.
Image source: Instagram/gwenzamora
Pati upuan sa dining table ay ganito rin ang kulay at mismong si Gwen ang nagpintura nito gamit ang spray paint. Maging ang ilang dekorasyon sa loob ng bahay ay angkop rin sa ganito kulay kaya naman parang nagkaroon ng resort-vibe ang kanilang condo unit na kung ihahalintulad sa kanilang bahay kubo ay malayong malayo ito sapagkat napaka simple lamang ng kanilang cabin.
Image source: Instagram/gwenzamora
Image source: Instagram/gwenzamora
Samantala, naglagay naman si Gwen ng rattan carpet sa kanilang sala para maging baby-friendly ito sa kanilang little boy. Dito din makikita ang kanilang sofa at TV na malapit sa bintana kaya naman napaka-cozy ng lugar na ito kung saan madalas dito nag-eehersisyo si Gwen.
Image source: Instagram/gwenzamora
Image source: Instagram/gwenzamora
Image source: Instagram/gwenzamora
Kapansin-pansin naman na mahilig sina David at Gwen sa mga furnitures na gawa sa kahoy kagaya nalang ng kanilang dining table set at sala table.
Image source: Instagram/gwenzamora
Sa katunayan, maging mga storage area nila tulad ng cabinet ay gawa rin sa kahoy. Nakadagdag naman sa ganda ng lugar ang naglalakihang ilaw na kulay dilaw at mismong si David ang nag-ayos ng mga ito.
Image source: Instagram/gwenzamora
Image source: Instagram/gwenzamora
Napaka-ganda nga ang kinalabasan ng condo unit nina Gwen Zamora matapos itong ma-renovate at ang dating bachelorette pad ay isa na ngayong cozy place family home na baby-safe para sa kanilang anak.