Malayo pa bago matapos ang taon ngunit isang katutak na blessing na ang pumapasok sa buhay ng ating mga iniidolong artista. Meron sa kanila ang nakapundar na ng sarili nilang bahay, may nakabili ng bagong sasakyan, bagong lupain at mayroon ding nakapagtayo ng sarili nilang business.
Photo courtesy: Turbulence PH | Instagram
Photo courtesy: Turbulence PH | Instagram
Ngunit may nag-iisang tao na kung saan kakaiba ang binili niya para sa kanyang sarili. Higit pa dito ay ang kanyang binili ay hindi lamang pansariling interes. Kundi pati na din sa mga taong nangangailangan sa gitna ng mga kalamidad.
Marami ang nakakakilala sa nag-iisang artista, komedyante, host at singer na ito na kung saan mahilig din siyang tumulong sa kapwa niya tao. Ito ay walang iba kundi si Willie Revillame na host ng isa sa mga paborito nating programa sa telebisyon na pinamagatang Wowowin.
Photo courtesy: Turbulence PH | Instagram
Hindi man siya isang politiko o isang tao na nagtatrabaho sa gobyerno ngunit gumagawa siya ng isang katutak na paraan upang makatulong sa kanyang kapwa tao.
Sa pamamagitan ng kanyang programa ay naipapaabot niya ang kanyang tulong. Nabibigyan din niya ng pagkakataon ang mga taong kanyang nakikilala doon. Sa madaling salita si Willie Revillame ay isang mabait, matulungin at mapagbigay na tao.
Photo courtesy: Turbulence PH | Instagram
Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala sa pangalan na Willie Revillame ay ipinanganak noong Enero 27 taong 1961. Una siyang nakilala sa isang programa na pinamagatang “Lunch Date” at makalaunan lumabas sa pelikula na pinamagatang “Batang Ama” noong 1988.
Photo courtesy: Turbulence PH | Instagram
Simula noon sunod-sunod na mga opportunity ang pumasok sa kanyang buhay at sa ngayon kabilang na siya sa mga masasabi nating napakasuccessful na tao sa larangan ng showbusiness.
Photo courtesy: Willie Revillame | Instagram
Naging usap-usapan nito lamang mga nagdaang buwan ang host dahil bumili umano ito ng isang helicopter. Ito umano ang kanyang regalo sa sarili at higit sa lahat mayroon umano magagamit siya upang makatulong sa tao sa oras ng mga kalamidad tulad ng bagyo.
Photo courtesy: Willie Revillame | Instagram
Hindi talaga natin matawaran ang kabaitan ni Willie dahil nagawa pa niyang bumili ng helicopter hindi lamang sa sarili kundi pati na din sa mamamayan na nangangailangan.