Sila ang mga sikat na celebrities na hindi nakapagtapos ng pag-aaral

Ang makapagtapos ng pag-aaral lalo na sa koleheyo ay hindi madaling gawin, lalo na sa mga taong may ibang pinakakaabalahan tulad ng mga nagtatrabaho at tulad nga ng mga personalidad sa show business.

Isa nga ito sa pinamahirap na desisyon sa kanilang buhay, kung tatapusin nila ang kanilang pag-aaral o kung itutuloy nila ang kanilang karera sa mundo ng show business.

Ilan nga sa ating mga iniidolo sa show business ang nagbahagi ng kanilang kagustuhan na makapagbalik sa pag-aaral upang tapusin ito. Ilan nga rito ay ang mga sumusunod:



1. Bea Alonzo


Ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang kaniyang mithi na makapagtapos ng pag-aaral. Sa panayam nga sa kaniya ay inamin niya na isa sa kaniyang pinakakina-iinggitan ay ang makapagtapos ng kolehiyo. Sapagkat hanggang 2nd year highschool lamang ang kaniyang natapos dahil ang kaniyang 3rd at 4th year highschool ay home-schooled na raw ito.

Maagang pinasok ni Bea ang mundo ng show business. Sa murang edad ay nagtatrabaho na siya na mahabang oras. Sa kabila nito, patuloy niya parin tinuruan ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at panonood ng mga dokumentaryo. Nakapagtapos din si Bea ng isang baking course sa Center for Culinary Arts noong taong 2018.

2.  Anne Curtis.

Tulad din ni Bea isa rin sa kinaiinggitan ni Anne ay ang makapagtapos ng kolehiyo. Noong taong 2018, inalala ni Anne noong mga panahon na siya ay nag-aaral upang maging isang preschool teacher sa isang Universtiy sa Australia.






Isa raw sa biggest insecurities ni Anne Curtis ang hindi nakapag-tapos subalit kahit na ganoon man ang nangyari ay masaya itong nagawa niya ang kaniyang passion sa buhay at yun ang pagiging isang artista.

3. Kathryn Bernardo

Isa nga sa pinakamatagumpay na personalidad sa industriya ng show business ay ang aktres na si Kathryn Bernardo. Hindi man nakatapos si Kathryn sa kaniyang pag-aaral, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Dahil balang araw ay sisiguraduhin daw ng aktres na tatapusin niya ito.

4. Kim Chiu

Kahit na hindi nakapagtapos si KimChiu sa pag-aaral ay masaya itong napagtapos niya ang kaniyang tatlong kapatid sa kolehiyo sa pamamagitan ng kaniyang trabaho.





Ibinunyag din ni Kim na nag-aral siya ng kursong business management sa Univeristy of the Philippines ngunit hindi niya raw ito natapos dahil sa kaniyang trabaho upang masuportahan ang kaniyang pamilya. Kaya naman ninanais ni Kim na pagdating ng panahon ay sana makabalik daw ito sa pag-aaral.

5. Vice Ganda




Ayon nga sa panayam sa kaniyang nakaraang taon, sinabi niya na kung bibigyan siya ng pagkakataon na bigyan ng payo ang kaniyang batang sarili ito ay ang unahin at i-prioritize ang pag-aaral. Sapagkat noong kaniyang kabataan ay mas nag-enjoy na lamang daw siya sa kaniyang buhay kaysa mag aral.

Si Vice Ganda ay nag-aral sa Far Eastern University at pinagsisihan niya ang hindi makapagtapos sa kolehiyo dahil ang kaniyang ina noon ay nagtatrabaho ng husto upang siya at ang kaniyang 4 pang kapatid ay makapag-aral ng kolehiyo.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *