Sila ang mga kilalang artista na hindi mo aakalaing mag “half-sister” at “half-brother”

Ang pamilya ang pinakaimportanteng tao sa ating buhay. Minsan sinasabi pa natin na hindi basihan ang magkadugo para masabing kayo ay magkapamilya. Dahil may mga pangyayari na kung saan hindi man natin kadugo o kamag-anak ay pamilya na ang turing natin sa kanila.

Laganap na rin sa isang pamilya na kung saan ay iyong makikita at makikilala ang mga taong magkapatid sa ama o di kaya ay sa ina. Ngunit ano man ang mangyari ay magkapatid par in kayo na dapat na nagtutulungan, nagbibigayan at nagmamahalan ng buong puso.

Ano man ang nakamulatan at nalaman nila sa kanilang pagkatao ay unti-unti nila itong naiintindihan sa kanilang paglaki.

Narito ang mga kilalang artista na hindi mo aakalain na sila ay “half-sister” at “half-brother”.

SHERWIN ORDONEZ AT CJ RAMOS

Sa kabila ng nagawa ng dating child aktor na si Rj Ramos ay hindi siya itinakwil ng kanyang kapatid na si Sherwin.

ARA MINA AT CRISTINE REYES

Alam naman natin na kapwa namamayagpag ang dalawang artistang ito sa mundo ng showbiz. Sila ay anak ng dating aktres na si Venus Imperial. Nagkaroon man ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa ng malaman ni Ara na hindi niya pala ama ang tatay ni Cristine. Ngunit ganun pa man ay nanaig parin ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

GABBI AT ANDI EIGENMANN

Si Gabbi at Andi Eigenmann ay anak ng pumanaw na aktor na si Mark Gil. Si Gabbi ay anak ni Irene Celebre samantalang si Andi naman ay anak ni Jaclyn Jose.

RJ PADILLA AT DANIEL PADILLA


Ang kanilang ama ay isang batikang aktor din sa showbiz at ito ay si Rommel Padilla.

MARK ANTHONY AT RENZ FERNANDEZ

Hindi basihan ang pagiging half-brother ng dalawa upang hindi nila damayan ang isa’t isa. Dahil hindi isinawalang tabi ni Renz ang ang nangyari at pinagdadaanan ng kaniyang kapatid, sa halip ay dinamayan at sinuportahan niya ito ng hiniwalayan si Mark ng kaniyang asawa. Si Mark Anthony ay anak ni Alma Moreno samantalang si Renz naman ay anak ni Lorna Tolentino at ang kanilang ama ay si Rudy Fernandez.

Ilan laman ito sa mga halimbawa na nagpapakita na hindi man kayo magkapatid sa ama at ina ay nariyan parin kayo paratulungan at damayan ang bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *