Sila ang mga dating artista na nagsikap at nangarap upang makamit ang lisensya bilang Doktor

Sa mundong ating ginagalawan, kailangan ang pagsusumikap, tiyaga at determinasyon ang puhunan upang makamit at marating mo ang iyong mga pinapangarap.


Image courtesy: Angeli Gonzales | Instagram

Hindi mo kailangang madaliin ang lahat ng bagay, kailangan mo itong pagtrabahuan, darating at maaabot mo ang mga ito ng naaayon sa oras at panahon na itinadhana para sayo ng Diyos. Marami mang pagsubok ang dumating, kung para sayo, ito ay para sayo.

Katulad na lamang ng mga dating kapamilya celebrities na si Angeli Gonzales at Alec Duñgo na dating kasali sa “Pinoy Brother: Teen Edition 4”.


Image courtesy: Angeli Gonzales | Instagram

Kilala si Angeli Gonzales sa kaniyang naging papel bilang si April Muñoz sa programa ng Kapamilya Network na pinamagatang Luv U, kung saan ay kasama niya dito sina Miles Ocampo at Marco Gumabao at nakikita rin siya sa mga palabas na “Wansapanatym,” “Maala-ala Mo Kaya,” at “Home Along Da Riles.

Kamakailan lamang ay nagpost sa kaniyang Instagram account si Angeli Gonzales kung saan ay masaya niyang ipinaalam sa lahat na nakamit niya na ang matagal niya ng pinapangarap at ito ay maging isang doctor.


Image courtesy: Angeli Gonzales | Instagram

Natapos niya ang kaniyang kursong Doctor of Medicine sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute at nakapagtamo ng mga karangalan tulad ng Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine and Special Citation for Academic Excellence at nagtapos noong 2019.

Dahil sa kaniyang sipag, tiyaga at determinasayon ay naipasa niya ang licensure examination for physician noong Nobyembre 26, 2020. At isa rin siyang rehistradong medical laboratory scientist at medical transcriptionist.


Image courtesy: Alec Duñgo | Instagram


Image courtesy: Alec Duñgo | Instagram

Ang dating Pinoy Big Brother housemate rin na si Alec Brandon Duñgo ay mapalad ding nakapasa sa licensure examination for physician na masaya rin niyang ipinasalamat at ibinahagi sa Diyos ang tagumpay na kaniyang nakamit at kaniyang pinost sa kaniyang Instagram Account.


Image courtesy: Alec Duñgo | Instagram


Image courtesy: Alec Duñgo | Instagram

Nakapagtapos siya bilang isang Cum Laude sa University of Sto. Tomas. Siya rin ay isang rehistradong pharmacist. Lahat ng pangarap, kung sasamahan mo ng sipag at tiyaga lahat ng ito ay iyong makakamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *