Sheena Halili, napanatili ang sobrang flawless at slim body kahit full time mom na siya

Blooming na blooming ngayon ang dating Startstuck survivor na si Sheena Halili kahit kakapanganak niya lamang sa kaniyang napaka-cute na baby girl. Agaw-pansin nga ang kaniyang mga Instagram post na talaga namang hinangaan ng maraming netizens ang fresh aura ni Sheena hanggang ngayon!


Image source: Instagram/mysheenahalili

Paano naman kasi, parang hindi ito nabuntis at nanganak dahil napaka-hot pa rin ng kaniyang katawan at halos hindi man lang nadagdagan ang kaniyang timbang. Kaya naman hindi maiwasang ma-intriga ang ilan kung ano ba ang kaniyang sikreto kaya’t nanatili ang kaniyang flawless and slim body.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Makikita sa mga social media post ni Sheena na noon pa man ay maingat na ito sa sarili at sinisigurado na talaga namang naalagaan niya ito ng maayos.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Samantala, sa kaniyang motherhood journey na ibinahagi niya rin sa kaniyang Instagram account ay makikita na mas lalo siyang naging maingat noong ipinagbubuntis niya si Martina.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Sa kagustuhan nito na maging healthy silang dalawa ni baby ay mayroon siyang sinusunod na daily routine. Kasama na dito ang madalas na pag-ehersisyo na sinasabayan niya naman ng healthy diet. Hangga’t maaari ay iniiwasan rin ni Sheena ang mga sweet cravings at sa halip ay naghahanap ito ng mas masustansyang pagkain.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Dahil dito ay marami ang nakapansin na kahit malapit na siyang manganak ay maganda pa rin ang hubog ng kaniyang katawan at hindi siya gaanong tumaba. Malaking tulong din ito para maayos niyang mailuwal ang napaka-cute at healthy baby girl.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Samantala, ilang buwan pa lang matapos niyang ipanganak si baby Martina ay nagbahagi na si Sheena ng ilang post-pregnancy photo at talaga namang makikita na mas lalo siyang gumanda at na-maintain pa rin ang magandang hubog ng katawan.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Sa ngayon ay hands-on mommy si Sheena sa kaniyang beautiful baby girl at kahit nga abala sa napakaraming gawain sa bahay at napupuyat sa pag-aalaga ng anak ay nananatili itong fresh at good-looking.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Dahil dito ay naging inspirasyon siya ng mga Mommies na gusto ring ma-achieve ang healthy at gorgeous body kahit na mayroon ng baby.


Image source: Instagram/mysheenahalili

Talaga namang maraming paraan kung papaano natin maalagaan ang ating katawan. Kagaya nga ni Mommy Sheena ay natutunan niyang pagsabayin ang pag-aalaga sa sarili habang ginagawa ang kaniyang responsibilidad bilang ina kay Martina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *