Kamakailan lamang ay naisilang na ng aktres na si Sheena Halili ang kaniyang unang panganay na anak na babae sa asawang si Jeron Manzanero. Matapos ang ilang buwang pag-aalaga sa kaniyang sarili upang maging healthy ang kaniyang baby ay sa wakas naramdaman na nito ang tamis ng pagiging isang ganap na Nanay.
Image source: mysheenahalili/Instagram
Image source: mysheenahalili/Instagram
Sa katunayan, tila napakabilis lumipas ng panahon sapagkat hindi raw inakala ni Sheena na isang buwan na ang kaniyang sanggol. Sa isang Instagram post nga aktres, ibinahagi niya ang first month photoshoot ng kaniyang baby girl kung saan napakaganda ng disenyo ng theme nito sapagkat ang kinuhang stylist ng aktres ay ang isa sa pinakamagaling na event stylist na si Gideon Hermosa.
Image source: mysheenahalili/Instagram
Gawa sa white flowers ang kaniyang backdrop na mayroon failry ligts sa mala-cloud like na disenyo nito. Nagmukhang parang isang anghel si Baby Martina Candice lalo na at ipinasuot niya ito ng puting damit. Habang sa sumunod na pictorial naman nito ay nakasuot siya ng snow white costume kung saan mas lumabas ang ganda ng kutis ni baby.
Image source: mysheenahalili/Instagram
Image source: mysheenahalili/Instagram
“This bundle of joy who brought us to Cloud Nine is now a month old, caption ng aktres.
Image source: mysheenahalili/Instagram
Image source: mysheenahalili/Instagram
Image source: mysheenahalili/Instagram
Mula raw kasi ng dumating si Martina sa kanilang buhay ay tila mas naging masaya ang kaniyang munting pamilya. Kahit sa una ay nanibago si Sheena na mag-adjust sa kaniyang oras lalo na siya ay isang first time mom, hindi naman raw ito gaanong nahihirapan mag alaga dahil mabait raw ang kaniyang baby.
Image source: mysheenahalili/Instagram
“Nakakatuwa na 3rd week palang ng anak kong si Martina ay parang nakakausap at naiintindihan na niya ako. Parang minsan gusto pa niya ginagaya ang bibig ko… sumusunod na rin ang mata niya kung nasaan ako… lahat yan 1st week palang niya na observe na namin. Haaay thank you anak at napakabait mo at di ako nahihirapan alagaan ka. May mga araw lang na diko ma gets bakit ka umiiyak pero shempre ang mommy makakahanap ng paraan tulad ng song ko na ito…”
Image source: mysheenahalili/Instagram
Image source: mysheenahalili/Instagram
Masaya na raw si Sheena kahit mabigyan lamang siya ng ‘me time’ upang gawin ang mga bagay na kinakailangan niyan gawin. Malaking bagay na raw ang 30 minutes na free time nito kaya thankful siya at may katuwang siya sa pag-aalaga ng kaniyang baby.
Image source: mysheenahalili/Instagram
“Pag nanay ka na nga naman may mga talent ka pa palang madidiscover ano? Haha kahit pagod na pagod may energy ka parin mailalabas…”
Happy 1 month old, Baby Martina Candice!