Sharon Cuneta, laking pasasalamat sa 35 years na serbisyo ng kaniyang napakabuting driver

Emosyonal ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta matapos mabasa ang isang mensahe sa kaniya ng kaniyang sariling driver na si Nelson Siason o Mang Dodong dahil sa pasasalamat nito sa aktres.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Mahigit tatlong dekada na kasi si Mang Dodong sa paglilingkod sa aktres kaya naman nitong March 2021 ay ito na ang huling buwan ng kaniyang paglilingkod sa aktres sapagkat kinakailangan na niyang mag-retire at umuwi sa kaniyang pamilya.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Sa nasabing sulat na ibinahagi ni Sharon sa kaniyang Instagram account ay makikitang lubos na nagpapasalamat si Mang Dodong sa mahabang panahon na ipinagkaloob sa kaniya ng aktres para makapagtrabaho bilang isang driver.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

“Aww ang aga-aga ito naman driver kong si Nelson pinaiyak ako! Thanks so much Dodong sa walang humpay at tapat mong pag-alaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Napakadami na nating napagdaanan at di mo ako iniwan o pinabayaan…”caption ni Sharon sa kaniyang post.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Nag-umpisa siya noong March 1986 at simula noon ay halos hindi na mabilang ang mga lugar na napuntan nila ng Megastar. Naging personal driver din siya ng panganay ng aktres na si Papi at nang maghiwalay ang mag-ina ay mas pinili nitong manatili sa tabi ni Sharon.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Itinuturing nga ni Mang Dodong na isang malaking karangalan ang mapagsilbihan ang isa sa mga tinitingalang aktres sa ating bansa dahil bukod sa pagiging sikat nito ay sobrang bait ba na amo ni Megastar.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Nabanggit rin nito na saludo siya kay Sharon Cuneta dahil nakita niya kung papaano nito hinarap ang mga hamon ng buhay bilang isang aktres at ina sa kaniyang mga anak.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Napatunayan rin ni Mang Dodong na busilak ang puso ng Megastar at hindi ito nagbago kahit na mas nakilala ang kaniyang pangalan sa larangan ng show business. Madalas rin siyang kasama ng aktres sa tuwing bibisita ito sa mga ginawa niyang outreach program at charities.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Samantala, lubos namang nagpasalamat si Sharon Cuneta kay Mang Dodong dahil sa loob ng mahabang panahon ay hindi siya nito iniwan at naging tapat sa kaniyang pamilya.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Hindi nga halos maisip ng aktres na dadating ang pagkakataong ito na maghihiwalay sila ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao kaya naman hindi niya mapigilang maging emosyonal.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Sa huli ay ipinaalala ni Sharon kung gaano niya kamahal si Mang Dodong pati ang buong pamilya nito at pinag-iingat sila lalo na at laganap na naman ang banta sa ating kalusugan.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Talaga namang maswerte ang aktres na si Sharon Cuneta dahil nakahanap siya ng mga taong hindi lang maglilingkod sa kaniya kundi maituturing na rin niyang miyembro ng kanilang pamilya sa loob ng halos tatlong dekada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *