Hindi nga maikakaila ang pagod na ibinuhos ni Sharon Cuneta sa ilang dekadang karera niya bilang artista at bilang isang napakagaling na singer noong panahon ng kaniyang pamamayagpag sa showbiz. Mula sa mahigit na 50 na pelikula kung saan gumawa siya ng iba’t ibang roles, tinagurian din siyang top-selling recording artist at isang matagumpay na concert performer kaya naman talagang rich and famous na noon pa ang aktres.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Bukod sa ilang property na kaniyang na-invest, ang pinakabagong property na kaniyang matagal na pinag-ipunan ngayon ay ang kaniyang ikalaawang mansion na kasalukuyan niyang ipinapatayo. Dahil malapit na rin makapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang mga anak ay handa na rin siyang bigyan ang kaniyangsarili ng isang panibagong mansion.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Ang ipinapatayong mansion na ito ni Megastar Sharon Cuneta ay tinawag niyang “Forever Home” dahil nais niyang tumira dito habang-buhay kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Ayon sa aktres sinimulan ang konstraksyon ng mansyon noong nakaraang taon buwan ng Agosto at nakahanap siya ng tamang mga tao na siyang tutulong upang maisakatuparan ang kaniyang mga plano.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Sa kabila nga ng pandemiya ay tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagtatrabaho ng kaniyang mga tauhan at nitong nakaraang linggo lamang ay masaya niyang ibinahagi na halos patapos na ang kanilang basement na gagawin rin nilang garahe ng kanilang mga sasakyan.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Naging maingat rin ang lahat at palagiang sumusunod sa ipinapatupad na protokol upang maiwasan ang ano mang aberya sa pagpapatayo sa bahay dahil ito rin ang ikalawa niyang big investment sa kaniyang buhay.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Samantala dahil nga sa laki ng bahay na gusto ni Sharon ay aminado ang contractor nito na aabutin ng halos dalawang taon bago matapos ang mansyon. Hindi naman ito naging problema sa aktres dahil ang hangad niya ay magawa ng maayos at matibay ang bahay na ibibigay niya sa kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Siniguro naman ito ng kaniyang mga tauhan at sa katunayan ay binigyan ng magandang balita ang aktres dahil kakayanin daw nito kahit ang malakas na bagyo at lindol na aabot ng intensity 9 hanggang 10 dahil sa mga mamahaling materyales na kanilang gagamitin sa bahay.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Excited na ang aktres na ipakita ang kaniyang bahay kapag ito ay tapos na kaya naman sa ngayon ay sneak peek pa lamang ang naipakita niya sa kaniyang mga tagasuporta. Hindi rin niya raw ito maaabot kung hindi dahil sa kaniyang mga fans na sinuportahan siya mula ng siya ay isang pang dalaga at nagsisimula sa industriya.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Talaga namang kahanga-hanga ang mansyong ipinapagawa ng megastar at marami ngang netizens ang napa-wow at noong una ay inakalang Mega-mall ang ipinapagawa ni Megastar.