Isa sa mga mahalagang bagay sa mundong ito ay ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan na kahit lumipas man ang mahabang panahon ay hindi ka nakakalimutan.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Masarap sa pakiramdam na kasama mo sila sa hirap at ginhawa. Hindi man kayo nagkikita at nagkakasama ng madalas, ang inyong pagkakaibigan ay hindi nawawala sa isa’t-isa.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Dumating man ang isa sa mga espesyal na araw para sa iyo ay hindi din nila ito nalilimutan. Ganito kasarap magkaroon ng isang tunay na kaibigan. Tulad na lamang ng dalawang kilalang aktres na sina Rosanna Roces at Megastar Sharon Cuneta.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Pagsapit ng kaarawan ng isa sa mga paborito nating artista na si Rosanna Roces ay nagkaroon ng maagang pagbati ang kanyan kaibigan na si Sharon Cuneta na kung saan binigyan umano niya ito ng isang napakagandang regalo.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Ang pagbati at regalo ni Megastar ay ibinahagi ni Rosanna Roces sa kanyang social media account na kung saan nagpapasalamat siya ng lubos sa kanyang kaibigan na si Sharon Cuneta.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Ang regalong bag na ibinigay ni Sharon ay ipinagawa ng naaayon sa kagustuhan ng aktres para sa kanyang kaibigan. Ang bag na ito ay gawa ng isa sa mga kilalang Fashion House at kilala sa pangalan na Dior.
Makikita sa litrato ang bag na ito na kung saan nakalagay sa kabilang bahagi nito ang pangalan ni Rosanna Roces at sa kabila naman ang brand name na Christian Dior.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Marami sa mga netizens ang namangha sa regalo na ito ni Sharon Cuneta sa kanyang kaibigan na si Rosanna Roces. Umani din ng mga positibong reaksyon ang post na ito at madami na din sa mga netizens ang bumati sa aktres ng maligayang kaarawan.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Si Jennifer Adriano Molina o mas kilala sa pangalan na Rosanna Roces ay ipinanganak noong Mayo 25, 1972. Nakilala ang aktres sa kanyang role bilang si Ana Maceda sa pelikula na pinamagatang “Comfort Women: A Cry for Justice” noong 1992.
Image courtesy: Rosanna Roces/Instagram
Simula noon, isang katutak na mga proyekto ang dumating sa kanya at magpahanggang sa ngayon ay makikita pa din ang aktres sa mga iba’t-ibang proyekto na maaari nating mapanuod sa ating mga telebisyon at makikita sa takilya.