Bata pa lamang si Andrea Brillantes ay marunong ng kumayod para sa kaniyang pamilya at para sa kaniyang mga pangarap sa buhay. Ang pag-extra at paglabas niya sa ibang mga teleserye noon ang siyang nagbigay daan sa kaniyang showbiz career hanggang ngayon kaya naman thankful ito at marami siyang opportunities na natanggap noong siya ay bata pa lamang.
Image source: Blythe/Instagram
Kaya naman ngayon nasa edad 17 years old na aktres, isang bagay na kaniyang minimithing makamit noon ay nagbunga na ngayon. Ito ay ang pagpapatayo ng kaniyang dream house para sa kaniyang pamilya na kamakailan lamang niyang ibinahagi sa kaniyang mga tagasuporta.
Image source: Blythe/Instagram
Ayon sa aktres, halos 10 years ang ginugol nito para mabuo at maipatayo niya ang kanilang dream house sapagkat sapat lamang ang kinikita ni Andrea noon bilang isang child star. Kaya naman sa tulong ng dasal, sikap at pagtitiyaga sa pag-iipon at pagta-trabaho ay masasabi nitong worth it lahat ng kaniyang pagod.
Image source: Blythe/Instagram
Image source: Blythe/Instagram
“You were my longest (10 years) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since I was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened, im sooooo happy,” caption nito sa kaniyang Instagram account.
Image source: Blythe/Instagram
Image source: Blythe/Instagram
Nais kasing mabigyan ng aktres ang kaniyang pamilya ng kanilang sariling bahay dahil wala raw silang tahanan noon at madalas ay nangungupahan lamang sila. Kaya naman kahit sa napakatagal na panahon ay talagang tiniis ni Andrea na pag-ipunan ito upang maibigay ang kaginhawaan sa kaniyang pamilya.
Image source: Blythe/Instagram
Image source: Blythe/Instagram
Nawa’y maging inspirasyon ang kwentong ito ni Andrea sa atin na kahit gaano pa katagal at ka-impossible ang iyong pangarap ay magtiis lamang at makakamit mo rin ito sa tamang panahon. Ang Panginoon lamang ang makakapagsabi kung kailan niya ito ibibigay sa atin.
Image source: Blythe/Instagram
Kaya huwag po tayong mawalan ng pag-asa na mangarap at magdasal na maabot natin ang ating goals sa buhay. Samahan rin natin ito ng gawa!
Congrats Andrea Brillantes for reaching your dream!