Sam Pinto, Ipinakita ang loob ng kaniyang super ganda na Condo na tropical at minimalist ang vibes

Nagbabalik-loob ngayon sa paggawa ng Youtube content ang aktres at modelo na si Sam Pinto dahil nais niyang maging active muli para sa kaniyang supporters.





Matagal din siyang inabangan ng kaniyang mga taga-hanga at nitong nakaraan nga ay naglaan siya ng panahon para maipakita sa kanila kung ano ang meron sa bagong condominium unit nila ng kaniyang fiancé na si Anthony Semerad.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Ayon kay Sam, dahil sa lockdown at mga ipinatupad na protocols ay halos pitong buwan din siyang namalagi sa Australia kasama si Anthony.


Image source: Youtube/ Sam Pinto




Sinulit niya ang panahong ito upang makasama ang pamilya ng kaniyang mapapangasawa at habang nasa ibang bansa ay abala rin siya sa pag-aasikaso ng bago nilang condo unit dito sa Pilipinas.


Image source: Instagram/ Sampinto_

Sa katunayan, pagdating nila ng bansa ay nailipat na ang lahat ng gamit nila mula sa lumang bahay sa tulong ng kaniyang driver at personal assistant.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Kapansin-pansin na mala-resort ang tema ng bahay ni Sam dahil siya mismo ang nag-disenyo nito kung saan inayon niya sa kaniyang mga resorts na napuntahan. Mahilig kasi siya sa tropikal na lugar at gusto niya na ganoon din ang magiging dating ng bahay na kaniyang uuwian.




Image source: Youtube/ Sam Pinto

Ibinahagi rin niya na mismong si Anthony ang nagpintura ng buong lugar at halos isang araw niya lang ginawa ito dahil sanay siya sa ganitong gawain.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Pagpasok sa bahay ay sasalubong kaagad sayo ang “foyer area” kung saan mayroong salamin sa itaas na bahagi ng cabinet na pinaglalagyan nila ng gamit sa tuwing lalabas ng bahay kagaya ng face shield, face mask at mga sapatos o tsinelas.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Sa unahang bahagi nito ay makikita ang super simple na sala at dining-area ng aktres. Ang malapad na mesa sa kanilang hapag-kainan ay gawa sa kahoy at pina-customized pa ito ni Sam para makuha ang gusto niyang anyo.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Anim na tao ang pwedeng umupo dito at kakulay ng mga upuan ang ilaw na nasa itaas nito. Habang mayroon din itong coffee area dahil hindi raw makukumpleto ng aktres kung hindi ito nakapag-kape sa umaga. Kaya naman sinadya niya talagang mag-invest sa mamahalin na coffee machine.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Samantala, sa kaniyang sala ay makikita ang isang napaka-laking sofa na pinasadya niyang ipa-customized upang maging kamukha ng mga upuan sa Australia. Isa rin ito sa mga paborito niyang lugar dahil katapat nito ang telebisyon at malawak na bintana kung saan nasisilayan nila ang pagsikat at paglubog ng araw.


Image source: Youtube/ Sam Pinto


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Dalawa ang kwarto sa condo unit nina Sam. Ang isa dito ay ang kanilang master’s bedroom samantalang ang isa naman ay plano sana nilang gawing guest room.


Image source: Youtube/ Sam Pinto


Image source: Youtube/ Sam Pinto



Ngunit dahil sa sitwasyon ngayon, naisipan nila ni Anthony na gawin nalang itong house-gym dahil parehas silang mahilig magwork-out ni Anthony.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Ang kanilang kusina naman ay mayroong maliit na breakfast-counter area na kung saan madalas si Anthony raw ang Chef ng kanilang condo dahil hindi hilig ni Sam ang pagluluto.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Mala-minimalist tropical vibe ang condo ni Sam at mapapansin na sobrang organized ang lahat ng kanilang kagamitan. Wala kang makikita ni isang kalat at dumi sapagkat lahat ng kanilang ginamit na furnitures ay naglalaro lamang sa kulay na white and beige na kung saan naging mas mukhang malinis ang paligid.


Image source: Youtube/ Sam Pinto

Super proud nga itong si Sam Pinto na ibahagi ang kaniyang condominium dahil siya mismo ang nag-decorate at namili ng kaniyang mga kagamitan at pang-disenyo sa bahay.



Nice condo Sam!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *