Sam Pinto, ipinakita ang kaniyang napakagandang walk-in closet na elegante at minimalist style

Simula nang bumalik ang aktres na si Sam Pinto sa kaniyang Youtube channel at muling gumawa ng mga vlogs ay ganoon nalang ang tuwa ng kaniyang mga tagahanga. Kaya naman ang highly requested ng kaniyang mga supporters na walk in closet tour ay kaniya niyang tuluyang ibinahagi at ipinakita sa kaniyang Youtube vlog.


Image source:Youtube/sampinto

Kilala kasi si Sam Pinto bilang fashionista kaya naman marami ang na-iintriga kung papaano niya inaayos ang koleksyon niya ng mga gamit tulad nalang ng damit, sapatos at bag.


Image source:Youtube/sampinto




Sa kaniyang latest video upload ay nabanggit ng aktres na ginawa niyang functional ang kaniyang walk-in closet. Simple lamang ito dahil minimalist ang istilo ng kaniyang condo kaya inayon niya rin ang disenyo ng kaniyang walk in closet.


Image source:Youtube/sampinto

Sa katunayan, pagpasok palang ay makikita na kaagad ang kaniyang wardrobe collection kung saan color coded ito. Naka-display lamang sa clothing racks ang kaniyang mga damit upang mas madali itong hanapin.


Image source:Youtube/sampinto

Mayroon din siyang island cabinet sa gitna ng kwarto at dito niya inilalagay ang iba pang gamit tulad ng make-up, sunglasses at ang kaniyang paboritong swimwears.


Image source:Youtube/sampinto



Samantala, nahihilig si Sam sa “light wood and white theme” kaya naman ito rin ang mga kulay na makikita sa kaniyang walk-in closet. Kahit nga mga gamit sa loob tulad ng cabinet, salamin pati ang mga hanger ay talaga namang gawa sa kahoy. Dahil dito ay naging malinis at maaliwalas ang dating ng kaniyang closet room.


Image source:Youtube/sampinto

Nagpagawa rin si Sam ng additional custom-made solehiya cabinet para sa iba pa niyang mga gamit at mayroon itong arch design na kapareho ng kaniyang paboritong salamin sa loob ng bahay. Ayon sa aktres, gusto niyang nagpapagawa sa mga local artists bilang pagsuporta na rin sa kanilang mga negosyo.


Image source:Youtube/sampinto

Kapansin-pansin naman na kakaunti lang ang mga dress ni Sam at aminado siya na hindi siya madalas mag-suot ng ganitong uri ng damit. Mas gusto niya ang combination ng tops at jeans dahil dito siya mas komportable.


Image source:Youtube/sampinto

Kakaunti rin ang mga kulay ng mga damit na mayroon siya dahil ang gusto niya lang ay earth-tones at nude colors. Madalas ay white color lang din ang kaniyang sinusuot dahil maliban sa classic look ay madali rin itong bagayan ng kahit anong sapatos.




Image source:Youtube/sampinto

Ipinasilip niya rin ang mga natitirang koleksyon niya ng mga sapatos at bag na ayon kay Sam ay nabawasan na dahil nag-downgrade siya simula ng lumipat sila sa condo-unit. Ang tanging natira na lamang sa mga ito ay ang mga paborito niyang kagamitan na madalas niyang ginagamit.


Image source:Youtube/sampinto

Samantala, hindi lang basta “closet tour” ang ginawa ni Sam dahil nagbigay din siya ng surprise giveaways sa mga netizens at isang paraan niya ito para magpasalamat sa lahat ng suporta na natatanggap niya. Ilan lang sa kaniyang mga papremyo ay ang swimwear at mga blouse na mula sa kaniyang clothing business.


Image source:Youtube/sampinto


Image source:Youtube/sampinto

Talaga namang napaka-ganda at functional ang walk-in closet ni Sam Pinto na mala-resort vibe pa rin ang dating kagaya nalang ng tema niya para sa buong bahay.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *