Sam Pinto, Ibinahagi ang kanilang napakagandang summer themed prenup shoot ng kaniyang soon to be husband

Wala na ngang makakapigil pa sa pagmamahalan ng magkasintahan na sina Sam Pinto at Anthony Semerad kaya naman sa kabila ng malawakang banta ng pandemiya ay tuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib na noong nakaraang taon pa naka-plano.


Image source: Instagram/sampinto

Matatandang nag-propose ang PBA player na si Anthony sa aktres noong Marso 2019 habang nagbabakasyon sila sa Australia na talaga namang ikinatuwa ito ng kanilang mga taga-hanga.


Image source: Instagram/sampinto


Image source: Instagram/sampinto

Samantala, nitong nakaraang linggo bago pa man ipagdiwang ang araw ng mga puso ay sinurpresa na ng dalawa ang mga netizens nang ilabas nila ang nakaka-kilig na pre-nup shots para sa kanilang kasal na gaganapin sa ika-8 ng Marso ngayong taon.


Image source: Instagram/sampinto


Image source: Instagram/sampinto

Kapansin-pansin ang naggagandahang katawan nina Sam at Anthony lalo na at pareho silang disiplinado pagdating sa pagkain at pagi-ehersisyo dahil nais nilang maging fit and blooming sa araw ng kanilang kasal.


Image source: Instagram/sampinto


Image source: Instagram/sampinto

Ang nasabing larawan ay kuha ng kilalang photographer at malapit na kaibigan ng dalawa na si Pat Dy. Simple lang ang “summer-themed” photoshoot nina Sam at Anthony na ginawa sa tabing-dagat na matatagpuan sa Batangas.


Image source: Instagram/sampinto

Sa katunayan, ang aktres na mismo ang gumawa ng kaniyang make-up at kakaunting tao lang ang isinama nila bilang parte na rin ng sinusunod nating protokol. Ayon sa photographer, tamang-tama ang beach set-up para sa magkasintahan dahil ito talaga ang personality ng dalawa na madalas nilang gawin noon na magkasama.


Image source: Instagram/sampinto

Aminado si Sam na ito ang kauna-unahang professional shot na ginawa nila ni Anthony kaya naman medyo kabado siya ngunit dahil sa kaniyang magaling na team ay naging natural at maganda ang kinalabasan ng kanilang mga larawan.


Image source: Instagram/sampinto

Samantala, nabanggit rin nito na hindi siya yung klase ng bride na detalyado at hands-on sa pagpaplano ng kasal. Ngayon ay chill lang siya at hinahayaan ang kaniyang wedding coordinator sa lahat ng mangyayari sa nakatakdang civil-wedding.


Image source: Instagram/sampinto

Ayon pa kay Sam, maliit lang ang gagawing celebrasyong ito dahil na rin sa pandemiya at magkakaroon sila ng pangalawang kasal bago pa man matapos ang taon. Hiling nga ng dalawa na sana ay pwede ng makadalo ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan sa araw na iyon.


Image source: Instagram/sampinto

Congratulations sa inyo Sam at Anthony! May you be blessed with a succesful marriage in life!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *