“Saan Ba Ako Nagkulang” Moira Dela Torre, nagsalita tungkol sa kanilang split ni Jason Hernandez

Nasasaktan, naguguluhan at hindi alam ang tunay na dahilan kung bakit iyon nangyari. Ganito ang nasa isip ngayon ng sikat na singer na si Moira Dela Torre matapos aminin ng kaniyang asawang si Jason Hernandez ang kasalanan nito na naging sanhi ng kanilang hiwalayang mag-asawa.

Matatandaan na isa ang relasyon nila sa hinahangaan at naging inspirasyon ng marami, lalo na at talaga namang sinusubaybayan ang kanilang love story.




Matapos ang mahabang paghihintay at panalangin ay ikinasal ang dalawa noong January 14, 2019. Isang engrandeng wedding ang nangyari na dinaluhan rin ng kanilang mga kaibigan sa entertainment industry.

“Magical” ang naging komento ng mga netizens sa naging kasal nina Moira at Jason dahil talaga namang ramdam ng mga tao kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at dream-come-true din ito para sa singer. Kaya naman ganoon nalang ang pagkadismaya ng publiko nang malaman ang balita kung ano ang naging kasalanan ni Jason kay Moira.




“It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways…Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”

Noong una ay nananahimik lang si Moira ngunit kamakailan lang ay lumabas siya at nilinaw ang sitwasyon para maiwasan na rin ang mga espekulasyon ng ibang tao.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.”, sagot nito sa mga nagsasabing siya ang nanloko sa kaniyang asawa.





Samantala, matapang ring ibinahagi ni Moira ang kanyang totoong nararamdaman nang mabigyan siya ng pagkakataon na mag guest sa morning show na Magandang Buhay.

Ayon sa kaniya hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang sisihin ang kaniyang sarili at tanungin kung saan siya nagkulang bakit naging failure ang kaniyang relasyon kay Jayson.

‘I guess sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging ‘yon yung initial reaction ko, e. I always say, ‘What did I do wrong?’ So especially now, ‘Sa’n ba ‘ko nagkulang?'” dagdag pa ng singer.

Nasasaktan man at naguguluhan ay patuloy pa rin ang pananampalatay niya sa Diyos at naniniwalang balang-araw ay magiging buo din siya at ganoon din ang panalangin niya sa dating asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *