Sa halip na kotse, pamasadang tricycle ng kaniyang Ama ang ginamit na Bridal car ng couple na ito sa kanilang kasal

Talaga namang napakagastos ang magpakasal sa panahon ngayon sapagkat mula sa simbahan hanggang sa mga gagamitin na mga kagamitan kagaya ng mga dekorasyon sa venue ay kinakailangang paghandaan.

Maliban sa damit ng bride ay pinag-iisipan rin ang gagamiting wedding car mula sa bahay patungo sa lugar ng kasalan. Kadalasan ay nagrerenta na lamang ng puting kotse bilang kanilan gagamiting “bridal car” sa kasal.


Image source: Facebook/Tita Kim

Subalit pinatunayan ng dalawang bagong kasal na ito na hindi naman kailangan gumastos pa para magrenta ng kotse para sa bridal car, sapagkat kahit tricycle lamang ay kayang kaya na maging isang bridal car sa kasal!


Image source: Facebook/Tita Kim

Nagviral ang kakaibang kasalan na ito at nakilala ang bride na si Kareeza Faith Tullo-Atrero na siyang nakaisip ng paraan upang makatipid sa kanilang bridal car. Gamit ang pamasadang tricycle ng kaniyang Ama ay nilagyan nila itong palamuti para kaniyang maging service bridal car sa kaniyang kasal.


Image source: Facebook/Tita Kim

“On my wedding last December, I chose to ride on a Tricycle rather than a car. Mas gusto kong ihatid sa simbahan gamit ang tricycle na naging malaking parte ng aking buhay.”, kwento nito sa kaniyang Facebook post.

Lumaki siya na nakikita ang mga sakripisyo na ginagawa ng kaniyang magulang partikular na ng kaniyang Ama na halos araw-araw ay namamasada umulan man o umaraw. Kaya naman bilang pasasalamat ay nais niyang bigyan ng parangal ang Ama na si Mang Efren sa espesyal na araw ng kaniyang kasal.


Image source: Facebook/Tita Kim

“I believe, this is the best chance I can HONOR my father for all his hardworks as a tricycle driver working so hard para sa aming pamilya”, dagdag pa ni Kareeza.

Kahit sa likod ng init at pawis habang nakasakay sa loob ng tricycle ay masaya ito habang nagmumuni-muni kung gaano siya ka-swerte sa pagkakaroon ng tatay na kagaya ni Mang Efren.


Image source: Facebook/Tita Kim

Ayon pa kay Kareeza, bale-wala ang pawis na ito kumpara sa araw-araw na pagod ng Ama sa pagtatrabaho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

“Proud ako sa kung sino s’ya. Proud ako na s’ya ay isang mabuting Ama. Proud ako na s’ya ay matapat na tricycle driver. At proud ako na ako ay kanyang anak.”


Image source: Facebook/Tita Kim

Marami nga ang humanga sa kwento ni Kareeza at sa huli ay nag-iwan siya ng magandang mensahe bilang paalala na nararapat lang nating bigyan ng parangal ang ating mga magulang.

“And to every girl and boy reading this, I hope we do take every opportunity to honor our parents. And to those who have lost their parents, I know up there— they are happy to see you happy! Hindi ka man nila mailakad sa altar, baon mo sigurado ang pagmamahal nila.”


Image source: Facebook/Tita Kim

Hindi lamang napasaya ni Kareeza ang kaniyang Ama, nakatipid pa silang mag asawa sa kanilang bridal car!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *